Dear insansapinas,
photocredit: richie
Noong kami ay mas bata pa, lagi kaming nakahanda pag may plano kaming umalis kasama ang kapatid ko na nasanay sa American time sa US of A kung saan siya nakatira. Ang kilay niya noon ay magsasalubong at di na magdidiborsiyo kapag pinaghintay mo siya nang matagal.
Doon ako nasanay at marahil ang paninirahan na rin sa US sa mga nagdaang taon na kailangang hindi ka nahuhuli sa biyahe ng mga bus at mga tren kung hindi tatanda kang dalaga. Ahek. Mamimiss mo ang isang bus o tren at maghihintay ka na naman ng susunod na kung minsan ay isang oras ang pagitan.
Kaya nang ako ay nagbalak na may puntahan na isang lugar na ang kasama ko ay oras nila ang sinusunod, nakilala ko si Patience. Si Pasensiya na kung wala, marahil ay tumaas na ang aking blood pressure. Naisip ko na hindi ko hawak ang kanilang pamamahala sa buhay nila pero di rin ako nakatiis na magpaalala. Sabi nga sometimes, you have to be brutally frank para makakuha mo ang atensiyon ng tao. Kahit na ba hindi sila sumunod.
1 Decision/Planning - isang oras
2. Preparation- Pagpaligo, pagmake-up, etcetera. Tatlong oras
Blag ( tulog na ako kahihintay).
3. Kung kailan aalis saka gagawin ang mga magagawa bago nagplano.
4. Pagsakay sa sasakyan- isang oras, pabalik-balik.
Blag (pagod na ako kahihintay).
Ayaw ko nang lumabas tuloy.
Pero kahapon, lumabas kami. Kumain kami sa buffet. Nagkita-kita, ala una na. Tirik na ang mata ko at isip ko tira-tira na lang sa smorgasboard ang aming kakanin.
Blag.
Pero narerealize ko, I should not impose. Buhay nila yon. Pero sa future siguro pasasalamatan din nila ang aking pagiging pranka.
Pinaysaamerika
hehehe. naalala ko tuloy ang tita ko na parating late. ilang beses na yun naiwan ng bus o eroplano dahil sa late sya. kung may lakad kami, ang sinasabi namin na oras sa kanya, 2 hours before ng actual time. pag ganun, on time lang sya. hahah
ReplyDeletebiyay,
ReplyDeletepareho siya ng ex-hubby ko. palaging late sa flight. wala pa yatang flight na hindi siya naiwan. kaya pag kami sumundo, yong next flight ang hintay namin.
noong nainis na ang aking sis-in law, hindi na siya pinapasundo.
pinagrerent na lang siya ng kotse para umuwi siyang mag-isa.
alam mo palagay ko part of personality disorder yon ng tao kasi kahit anong sabi mo hindi mabago.