Friday, January 22, 2010

Platform at Media Handlers ni Noynoy Aquino

Dear insansapinas,
Halatadong may pagbabago ang media handlers ni Noynoy Aquino. Noong una pag tinatanong siya ng kaniyang plataforma, panay ang nanay at tatay niya ang kaniyang sinisiksik. Mga photoop ng magkakapatid at nakakasawang my MOM ni Kris Aquino kasabay ang maluha-luhang mata na  ang akala nila ay sapat para manalo sa elesiyon. Di ba nga pinagbili raw niya ang bahay niya para lang makatulong sa kandidatura ng kaniyang kapatid at pinagsisigawan nya na marami siyang pera pero kailangan niyang mag-ipon para lang mabigyan ng swimming pool ang mga anak niya?


Ngayon siguro narealize ng mga taong atat na atat na mailagay sa puwesto si Noynoy para tuloy ang kanilang ligaya na naudlot ng sila ay mawala sa grasya ng mga nakaraang pangulo na hindi sapat yon dahil marami na ang nagtatanong kung ano ang magagawa niya. 

Ngayon kandarapa ang mga handlers niya na bigyan siya ng image na intellectual. Naisip nila marahil na hindi na pwede ang panay iwas niya sa debate at panay ang "Ituloy pa rin ang LABAN" amg kaniyang isinisigaw. Anong LABAN? 


Kaniya kaniya lang namang mga alipores yan. Noong panahon ni Marcos, ang tawag sa kanila cronies. Sa kapanahunan ni Cory, mga Kamag-anak Inc. at mga "reformed cronies", mula sa pula, sinuot nila yellow.

Balita eh all out ang dating media handler noon ni Cory sa pagREPACKAGE naman kay Noynoy. Binigyan na rin ng plataporma. Ang alam ko ang tagal hiningi ito ng mga Anti-Noynoy ang platform na ito at panay naman ang mga bulag na pagtatanggol ng mga  pro-Noynoy na para bang ang Promise na hindi siya magnananakaw at sapat para tumakbo ang gobyerno.


Hindi ako anti-Noynoy, anti ako sa mga taong nasa likod niya na magmamanipula sa obvious namn\ang trying hard na pabanguhin pa ang image ni Noynoy pero ang platform niya ay hindi pang Presidente na ang buong bansa ang pamamahalaan.

Unang speech niya sa harap ng Makati Business Club ang nababalitang isang grupo na isinusulong ang kaniyang kandidatura para nga naman safe. Kagaya rin yan ng nagpapractice kang mag speech sa mga kamag-anak na alam mong hindi ka kakatayin sa mga tanong.



Pinaysaamerika




No comments:

Post a Comment