photocredit: MSNBC
Malungkot ako nang mabasa ko ang balita na nagpakamatay ang isang istudyante dahil hindi nakapasa sa UPCAT. Parang iyon ang kaniyang pangarap sa buhay.
Isang tsikiting gubat ko ang nakapasa sa UPCAT noong makatapos siya ng high school. Dalawa lang silang nakapasa yong valedictorian nila at siya na salutatorian.
Sa UP Baguio gusto niyang magenroll. Malayo sa akin dahil sobra ang aking higpit pagkatapos na sumama ang kaniyang girl friend sa kotse at ayaw nang umuwi. Kasalukuyan ako noong nasa ibang bansa at patuwad-tuwad na nglelecture para may ipakain at ipagpaaral sa kanila.
Ang mga in-laws ko ay pinatira muna ang babae sa kanila para walang mangyaring kanais-nais. Binigyan ako ng abiso na dadalaw raw ang aking magiging balae at aayuisin ang kasal. Anoh. Kagagraduate lang ng high school? (Aray, deja vu ba? Talagang ang tadhana, mapagbiro. ) Tamang-tama lumabas ang UPCAT.
Binigyan ko siya ng dalawang palito. Isa ay para sa kasal at isa ay kung siya ay patuloy mag-aaral. Pag siya ay nagpakasal, sisipain ko sila sa bahay at siya ay maghahanap ng trabaho. (karma ba sa akin yon, pag-aasawa ng maaga? )
Ano sila siniswerti? Pakakainin ko sila habang gumagawa ng bata?
Pinili niya ang pag-aaral. Hoke. Pero hindi siya sa UP Baguio mageenroll. Sa iskwelang pinasahan niya ng scholarship. At kasabay ko siya palagi pagpasok at pag-uwi. Bantay militar talaga nepo?
Masama ng loob niya pero hindi ko pinansin. Minsan kailangan ipakita kung sino ang nanay at sino ang tsikiting gubat.
Ang kaklase niya na nag-enroll sa UP ay madalas ang dalaw sa kaniya at kuwtnto ng mga happenings.
Lalong sumama ang loob sa akin.
Graduation. Nakatapos siya ng Nursing. (Male nurse) samantalang ang kaniyang kaklase ay nalulong sa mga extracurricular activities sa unibersidad. Pinauwi na lang ng magulang sa Pangasinan at nag-aral pa rin sa UP. University of Pangasinan. Hindi rin yata nakatapos habang ang aking tsikiting gubat ay ngtatrabaho na sa isa sa pinakamalaking ospital sa States.
Ang kaniyang naging girl friend ay di rin nakatapos ng pag-aaral.
Pinaysaamerika
ewan ko ba sa mga bata ngayon, nagpapadala sa mga emosyon nila. ayan tuloy, kinse anyos pa lang, nakatali na. di ba nila inisip na marami pa ang pwede mangyari sa buhay nila? na pag gumawa sila ng ganyang desisyon that early in life, limitado na agad ang choices nila. tuloy, asa na lang sa mga magulang. ang dami ko nae-encounter na mga ganyan sa trabaho ko. sarap pagsisipain.
ReplyDeletebiyay,
ReplyDeletemagsuot ka ng boots. hehehe
ay nakarelate ako dito. ako naman gusto ko up diliman, but i had to settle for up baguio kasi mas matipid. indeep up education or brains are no guarantee.
ReplyDeleteresty,
ReplyDeleteluck and perseverance will get you there.