Dear insansapinas,
White Collar
Tumawag ang aking kaibigan from Bay Area. Akala ko nasa Pinas siya. Bumalik pala para sunduin ang mommy niya na magbabakasyon sa Pinas. Mahigit ng 60 ang kaniyang mother at takot ng magbiyahe ng solo.
US Citizen na ang kaibigan ko pagkatapos maghintay ng napakatagal sa kaniyang green card. Pero mag-iistay na siya for good sa Pinas. Nagtayo na siya ng negosyo. Wala siyang makuhang trabaho dito sa States. Computer engineer siya.
Blue Collar
Tumawag din ang aking kaibigan mula sa Arizona. Wala pa ring trabaho ang kaniyang asawa matapos na matanggal sa trabaho sa isang retail outlet na nagbibigay ng serbisyo sa mga car owners. Dalawang beses siyang nagkamali at nagreklamo ang customer. Mas nasira yata ang kotse sa kaniyang negligence. Wala pa siyang isang taon doon. Ngayon ay nag-apply ng unemployment benefits.
Managerial positions
Nang iadvise ko sa kapatid ko thru another kapatid (hindi siya nakikinig sa akin dahil grad siya ng Ateneo, hehehe) na huwag na muna niyang i-pursue ang kaniyang MBA,alam kong mawawalan ng market ang mga MBA pagbagsak ng banking, financial institutions, ng Wall Street at ang recession. Ang kaniyang career ay sa banking kaya nag MBA siya dahil target niya ang higher position. Pero bago niya natapos, bagsak ang banking industry.
Maraming MBAs ang nawalan ng trabaho kaya bago kunin ang bago, kukunin muna nila yong mga nawalang ng trabaho na payag magkaroon ng salary cut. Ngayon, naghahanap sila ng trabaho sa ibang lugar.
Ito ang article sa NEWSWEEK.
Nakita ko ito nang bumagsak ang Silicon Valley. Ang high and mighty na mga MBAs na nagsimula ng mga dotcoms ay naglipatan sa San Francisco.
Meron kaming dalawang execs na nanggaling doon na sabi ay mahigit kalahati ang bawas ng sweldo nila pero kaysa naman wala silang insurance coverage tanggap na nila ang mas maliit ang sweldo. Actually, wala naman silang track record dahil ang itinayo nilang negosyo ay ni hindi naibalik ang investments, sarado kaagad.
Pagkatapos ng mga kaintrigahan sa dati kong trabaho at sa negosyong aking itinayo, nagdecide ako na maglie-low lalo ng madiagnose ako ng stress-induced gastric ulcer.
Kaya talagang tinarget ko lang noon ang mga position na walang glamorous na title at ang responsibility ay hanggang lang paglabas ko sa pinto ng building namin.
Then I was ready na tanggapin yong position noon sa New Jersey na involved ang magtravel ulit hangang Mindanao, Russia at Pakistan nang madiagnose naman ako ng C.
Pinaysaamerika
that's why I would not want to move abroad. without additional schooling, I would not be able to get the same job here as I have here. besides, i would never b e out of work here. people will always be filing complaints against each other. or even if i do get out of the rat race here, I can always set up a table and just spend my days notarizing documents
ReplyDeletebiyay,
ReplyDeletedito specialized ang mga abugado. may immigration lawyer, patent, criminal lawyer and corporate lawyer.
marami sa mga pinoy dito nagssarili sila ng practice. more on immigration at sa personal accident ba yon.
ang mga notary public dito hindi abugado. nag-exam lang.
pero kung secured ka diyan, mas maganda na diyan. ako nga puwede pang bumalik sa academe o kaya magpractice ng aking profession pero tinamaan ako ng katam. Katamaran.
parang ang sakit sa ulo ng trabaho ni biyay, taga ayos at taga salansan ng gulo ng mga nagbabangayan hahaha.
ReplyDeletediko kakayanin yang ganyang trabaho,e dito lang e ang mga tao pag nagsimula ng magbangayan sa harap ko e pinapalayas ko diko pianapabalik sakin hnggat di nila naayos ang bangayan nila nyahaha.
mam, ako din panay panay ang isip kong mag change ng career nyehehe pero sabi ng boss ko gurang naraw ako para magisip magpalit and besides wala naman akong credentials, huh! inismol ako?
ReplyDeletesabi,e anu bang alam mo bukod dito sa trabaho mong to?
sabi ko, gusto kong maging intreprenuer, mag export ng bananaQ sa china kasi mahal dito ang saging, yeah baby!
lee,
ReplyDeleteako noon pag nagbabangayan ang aking mga tao, binibigyan ko ng tinidor. o sige magsaksakan sila. Plastic nga lang.
lee,
ReplyDeletenaging dream ko rin noong maging lawyer. parang si Perry Mason. kaya lang ayoko ng memorization.
kahit kasi ako tulog, nagrerecite ako ng binasa ko.