Dear insansapinas,
Last night, I felt I was like the person who is pretty much far back in the line when God Almighty was passing out brains as in nang magsabog ang Diyos ng utak hindi ako nakasalo.
I was expecting my brother to come back on Wednesday yet. I was watching Forensic Files when I heard sounds outside the door. That was the part in the FF where the killing was reenacted to determine how was the girl murdered when there was no sign of break and entry.
My instinct made me reach for something that I can use to protect myself, just in case it is an intruder while I headed toward the door to use the peep hole. I was about to get a step ladder when my brother entered and asked. Ano hawak mo? Pampukpok?
Hawak ko pala yong pangkamot ko sa likod na gawa sa plastic. Bigay ng kaibigan ko. Dati may sound yon pag ginamait mo Iskandoloso lang ang tunog.Sa isip ko, pwedeng pangkiliti sa intruder. (parang eksena sa sitcom na corny). Canned applause please. Bow.
Kinabukasan, I cooked rice in the rice cooker (saan pa ba. alangan naman sa kawali). My brother has gone to the library to return the books. Feeling drowsy, I decided to steal a nap.
It was a short shuteye since I was planning to cook some meat. Ubos na kasi yong nilutong ulam namin sa aming extension kitchen--KFC.
The light in the kitchen was off but there was enough light for me to see that the rice cooker was very white from an original dirty white color. ( hindi dahil marumi noh, pinupunasan ko yon). My brother was not home yet. There were only three pairs of shoes in shoemat.
I inspected the rice. It was already cooked. I was sure that I did not put the rice in that same rice cooker. Natulog lang ako, nag-iba na ang rice cooker namin.
Now going to the Forensic Files that I was watching, I...uhmmm,
you're asking me what happened to the rice cooker?
While I was sleeping, my brother came and replaced the old rice cooker with a new one, then went out again to buy something.
Walang himala mga pards.
Pinaysaamerika
hahahahaha akala ko biglang bumisita ang fairy godmother at nakitang luma na ang rice cooker at need na ng kapalit kaya minjic ng .... kaching! presto, new rice cooker na pag kinain ang kanin dina kelangan ng ulam.
ReplyDeletekala ko martilyo dala mong pamukpok mam, kawawa naman si brod kung nagkataon, namatayan ng kuko sa daliri.
kapag ako naman e kahit kelan manood ng horror, panay panay silip ko sa mga sulok at madilim na parte ng bahay, at baka my nakatanghod din sakin.
ReplyDeletemaya maya sa ilalim naman ng mesa, every 5 min stop ko yung pinapanood ko hanggang matapos ng ganun... dati yun, e ngayon naman wala ng nakakatakot na horror movies... nakakainis ng lahat.
lee,
ReplyDeletebago pa yong rice cooker namin. wala pang isang taon. baka regalo sa kaniya yong rice cooker.
meron chain ang aming pinto pero di ko magamit dahil baka nga dumating ang kapatid ko eh hindi makapasok lalo kung tulog na ako. ang layo ng bedroom ko sa pinto. wala kaming doorbell dito.
ReplyDeletekasi nga nag-iisa siya dito noon. alangan namang magdoorbell siya para buksan ang sarili niya.bwahaha
tapos palagi pa siyang naga-out of town.
isa pa para idiscourage ang mga solicitor.
nyahahaha oo nga naman pano nga naman nya madodorbell sarili nya.
ReplyDeleteparang ako pag my nagtatanong
ng number ko,diko kako kabisado kasi diko naman tinatawagan ako e.
baka nga my nagregalo,ginamit na kagad baka daw ipa laminate mo pag dipa ginamit hahaha,parang yung samin kasi nalimutang may bago pala kasi dipa naman sira yung dati, nasira nalang sa taguan.
baka kamo idisplay pa. hehehe
ReplyDeletekagaya sa pinas, may kakilala ako noon na nakadisplay yong rice cooker. ang gamit niya ay yong kaldero pa rin.
yon namang kaibigan kong mayaman, display rin niya ang microwave.
ganyang ganyan sa probinsya, di ba pati yung mga laruan ng bata nakataas sa eskaparate
ReplyDeleteat naka display lang di pinapalaro sa bata ast sisirain lang daw, kako naman, e kelan mo pa yan ipapalaro?pag lumaki na?e dina yan lalaruin pag malaki na yung bata,
ibang laruan na ang gusto nun,
yun kakong ihahagis,
sisirain yung laruan e yun yung way ng bata sa paglalaro.
yun naman matatanda sa probinsya regaluhan mo ng payong o kahit anu,itatago lang hanggang mag amoy alkampor sa taguan di gagamitin at sayang daw nyahahah.
anong ginagamit nila pag umuulan.
ReplyDeletenaalala ko tuloy ang kwento ng mother ko.
ang lugar kasi ng mga lolo't lola ko ay isang isla sa Bicol na kailangang tumawid ka ng bundok (hindi ako nagbibiro) kung land travel at lantsa naman kung tubig.
kunti lang ang nakatira doon. mga kamag-anak lang namin.
may naligaw na taga menila doon na nagbebenta ng payong. Yong ang handle ay mayroong bulaklak sa loob. Sabi sa loloa ko mahal daw yon sa Menila kasi may power daw yon. hehehe
di niya alam na tumira ang lola ko sa Binondo at nagnegosyo doon.
salakot, sayang daw yung payong mababasa.
ReplyDeletenyehehe langya, my power daw, kala nila lahat ng matatanda sa probinsya nung araw e anga anga hahaha.
mga lola natin e bago natira ng probinsya e mga naging manilenia din naman.
naalala ko tuloy yung bumbay na nagpapautang ng 5-6
dun sa bulacan, papautangin ka ng 5-6 pero kelangan mo ring umutang nung hulugan na binebenta nila..
namataan yung
aking sister,nilapitan nung bumbay at inalok ng 5-6,
sinigawan nung kapatid ko ng...
"baket?mukha bakong mahirap at walang pera?"
taasan ng kilay yung mga intrigera nyang kapitbahay nyahahah.