Dear insansapinas,
TIGER WOODS
Tama ang spelling ng dam ko, insan, kasi talagang ang ibig sabihin niyan ay reservoir ng tubig na mararamdaman mong bubuhos saiyo kapag ikaw ay nasa sentro ng intriga at malaking pera ang kinikita ng mga tabloid pag ikaw ay pinagtsitsimisan. Tingnan mo si Tiger Woods, nagpakahumble na, humingi na ng tawad, siya pa rin ang usap-usapan. Feeling mo may mga aninong gumagalaw sa labas ng bahay para sila obserbahan. Kulang na lang
lagyan ng live coverage ang mga movement niyng mga naakalambiting mga paparazzi sa puno. May balita ngayon na may babaeng dinala sa ospital mula sa bahay niya. Abangan. Wala na kasing interest ang mga tao sa Kate-Joss plus na tsismis kaya ito namang kay Tiger Woods ang kanilang hindi hihintuan.
MARTIAL LAW
Nakakatawa ang mga taong nag-ooppose sa martial law. Sila ang palagay ko unang-unang magdedeclare ng martial law pag sila ang nasa puwesto. I should know, involved sila noon eh sa martial law ni Macoy. . si Pareng Juan Ponce Enrile at si former President Fidel Ramos.
Ang mga journalists at mga columnists naman ay parang sina Madam Auring noon na sinabing hindi gagalawin
si Ampatuan ni GMA dahil sa kampon niya ang mga ito. Ngayon namang inilagay niya sa martial law ang Maguindanao, mayroon na naman silang teoriya. Minsan pag madudunong ang tao pati ang ang mga tsismis na gustong ilabas sa media ay pinalalabas nilang ANAL-ysis.
MGA PRESIDENTIAL CANDIDATES AT ANG KANILANG MGA ANINONG GUMAGALAW
Noynoy at Mar Roxas
Hindi competition ng pabaitan at palinisan ng record ang aking interest. Hindi nga corrupt si Cory pero wala namang nangyari sa Administrasyon niya dahil maraming mga aninong gumagalaw na nakikialam sa mga decision dahil sa mga vested interest nila. Sumisingil lang naman sila sa suportang ibinigay sa kaniya sa kaniyang kampanya.
Ang interest ko ay ang decisiveness ng magiging lider ng bansa. Siya ba yong ang madedecide at hindi ang mga taong gumagalaw sa kanilang likod.
Mga anino ni Noynoy at ni Mar Roxas
1. Civil society ng nanay ni Noynoy na binubuo ng mga businessmen na ibig talagang kontrolado nila ang
administrasyon para madali sa kanila ang magpalaki ng negosyo. Naive ka na lang kung hindi mo sila kilalala.
2. Hyatt 10 -ang mga dating kampon ni Gloria na kasa-kasama niya kahit saan pumunta. Pero nang sila ay mawala sa puwesto, isinumpa siguro nilang I'LL BE BACK.
3. Mga Pink, brown at black sisters and religious congregations. Saan kaya sasama ang El Shaddai?
4. Kris Aquino, Boy Abunda at Baby James.
5. Nanay ni Mar
6. Korina
GIBO TEODORO and EDU MANZANO
Ipinapakita ng Gilberto Teodoro na siya ang pinakamagaling sa mga candidate pagdating sa mga forum kung saan siya ay matalinong sumasagot.
Kahit na kaunti lang ang aninong gumagalaw sa kaniyang likod, ang anino naman nito ay katumbas ng pinagsama-samang anino ng mga anino ng kaniyang kalaban.
1. Danding Cojuangco-Noong umupo si Cory, nawala niya ang control sa San Miguel. Nang manalo si Estrada, hindi pa man ito nag-iinit sa upuan ay nabalik sa kaniya ang SMC. Ngayon may balitang baka mawala uli.
2. Mga kampon ng asawa niyang congresswoman.
3. Walang pink sisters at lalong wala na raw si Pinky Webb, pero meron siyang dating ex-Vilma, ex-Maricel at iba pang exes.
Erap at Binay
Ito hindi na kailangang lumabas sa pamilya. Buong pamilya ay mga anino sa harap at sa likod.
1. Jinggoy Estrada-Senador
2. JV Ejercito -running for congressman
3. Guia Gomez-running for mayor in San Juan
4. at ang pamilya ng kaniyang mga other women-special mention dito ang paborito raw na si Laarni na noong panahon ni Erap ay nabalitang may sariling mga security.
5. Jude- hindi nga tatakbo pero pinagagamit ang kaniyang sasakyan na may wang-wang sa kaibigang si Dranreb (yan ang tsismis)
6. Si Binay naman ay nandiyan ang kaniyang asawa na dating naging mayor at tagasalo ng mga puwestong ayaw niyang mawala sa kaniya kapag tapos na ang kaniyang termino. Buti na lang may mga anak na naman siyang puwede nang tumakbo.
Manny Villar at Loren Legarda
1. Ito buong village at siyudad ang mga aninong naghihintay na siya ay maelect. Ang pamilya ng kaniyang asawang si Cynthia na ang pamilya ang halos ay may-ari ng negosyo sa Las Pinas noon. Sila ang mga Aguilar na nagpalitan ng paghawak sa pagkamayor sa las Pinas bago dumating si Manny.
2. Ang anino ni Loren at nasa bilangguan na ba? Pero mayroon siyang anino na nasa Senado pa. hahaha
Eddie Villanueva at Perfecto Yasay
1. Ang kaniyang mahigit na limanlibong disipulo, ang kaniyang anak na congressman at isa pang anak na pulitiko naman sa Bulacan.
Jamby Madrigal
Ang kaniyang asawang Konde raw at ang mga kababayan nitong
mga French.
Di bale alam naman niyang hindi siya mananalo; inaasar lang raw niya si Manny Villar
Pamatong
Ang mga Pinoy na gustong maging US citizen at ang mga guerilla.
Itutuloy
Pinaysaamerika
mam, long time no see... namiss tuloy kita wehehe,naisip ko medyo nagpahinga kalang ng konti habang maginaw ang panahon.
ReplyDeletemasisira powers ng commenting ko dito sa post mo na to mam hahaha,parang di kaya ng powers ko.
masyadong malalim para sa isang bugok na gaya ko hahaha.
para kay tiger muna, malas lang nya,walang sinasanto ang mga depuger na media,kung san sila kikita e bread and butter nila yan kaya tiger,tiisin mo na ikaw muna ang flavour of the month,pasasaan bat sasawaan din ang mga yan at pagkatapos ng month mo e my iba nanaman silang topic na lalantakan for the next flavour of the month,ganun talaga ang buhay,flavour flavour lang pero nakakasawa din.
nagtataka naman ako sa mga to, lalo na tong mga media,sala sa lamig sala sa init,buti nga sa maguindanao lang nag martial law,at ako wala akong against dyan dahil di naman ako politikong nagpapapogi na basta makakontra lang e kokontra kahit wala na sa lugar,hala isama na sa martial law ang mga nagpapapoging yan,wala din namang maisuggest na matino,puro mga nakabusal ang bunganga nung massacre tapos ngayon my naisip na solusyon saka naman kokontra,mga sutil talaga.
ay basta ako danding ako, gordon pa, hilahin mo pat isama si bongbong at si imee para masaya,bahala na yung ibang mga politikong magsabunutan dyan basta ako solid ako sa mga ini,murahin pa nila ko pakelam ko sa kanila, basta ako forever marcos loyalist, mamatay sila sa inis jejeje.
ssssshhhhh, talaga?my asawa pala si jamby?kala ko ano... ano... ano? wala lang kala ko lang ano, na binata este dalaga pa sya,matandang dalaga.
pero sabi nila talaga,pag si loren ang nanalo, ang gara ng magiging buhay ng bansang pinas,lahat ng mga senior citizens na lolo magiging groovy at my insentives ky loren, lab ni loren ang mga damatan na guys e, ang gara nya no?
anu kaya sabi nung nakakulong?ipagpapalit na rin lang sya sa senior citizen din nyehehe.
sa mga aquinos?di sila corrupt? di nga siguro pero,kaso, subalit datapwat ngunit,di yun ang pamantayan ko sa dapat maging pangulo ng bansa..... a basta!
inayos ko lang yong pearl necklace ko kasi naputol. di kaya ng aking creative prowess yong isa. kailangan talaga ipagawa sa professional. yong isa bumili ako ng elastic thread ni rethread ko.
ReplyDeletemay pinanood akong series na very interesting, ibablog ko nga, kasi lumabas na nman sa balita. palagay ko talagang inuulit nila kasi relevant sa isang breaking news.
masyadong seryoso nga ang topic na ito na hindi ko gusto pero kunwari naman may alam din ako. hahaha
ReplyDeleteoo naman ay may-asawa si jamby. ang sabi nga nila pekeng count daw.
hindi niya dinidspley. hindi ko pa rin nakita kung ano ang mukha.
hindi rin bait at hindi corrupt ang aking pamantayan kasi kahit hindi ka corrupt kung hindi ka naman marunong magmanage ang corruption nandoon naman sa ibaba.
ReplyDeletebetween yong madre na nagdarasalmaghapon at madreng nagpapakain ng mga homeless, nag-aalaga ng mga maysakit, doon na ako sa ikalawa.
para sa akin, no.1 sa mga anino ni noynoy si kris. hehe. si mar naman, si korina. harharhar. yung iba, ganun din ang tingin ko.
ReplyDeletenapanood ko pala si erap sa "debate" sa UST nung isang araw. susmio parang he's just going thru the motions. feeling ata nya, ang trabaho ng presidente e iutos lang sa mga tao ang gusto nya ipagawa at yun na.
lee, di ba sina jun encarnacion, ogie diaz, tita swarding e may mga asawa at anak pa? si jamboy pa kaya?
display nya yun nung last na election. malay mo, baka ilabas nya uli ngayon. gwapo, mga sisters.
lee,
ReplyDeletenagising si biyay, nakatulog habang hinihingutuhan.
si kris, anino sa mga events, sa showbiz pero yong iba more on administrative staff.
nakita mo na ba ang retrato noong Frenchman?
with kris, you'll never know.
ReplyDeletena-headline yung wedding ni jamby sa inquirer and siempre meron pic yung asawa nya. madami din pics before and after the wedding pero di ko mahanap online. kukuha ka rin lang naman ng trophy husband, sagarin mo na. :)
ewan ko lang ba kung bakit after the wedding, nawalang parang bula yung asawa nya. pero baka sumulpot lang yun maya-maya
ang narinig ko, hindi naman daw talaga royal blood. umiinom lang ng royal tru-orange.
ReplyDeleteCount da ba?di kaya kamaganak yan ni count dracula?
ReplyDeleteoo nga naman, tama ka biyay, kukuha ka na rin lang ng trophy hub e sagarin mo na, kaya ako kung magpapakasal e yung trophy ng oscat award ang papakasalan ko para sureness na.
mam, napalakas ang tiris ko kaya nagising si biyay.
biyay, tama ka dun, pero diko kasi nabalitaan man lang na nagasawa pala at me asawa ang jamby, kung si kuh nga diba? at nag anak din.
hahaha my royal tru orange pa ba?
baka pag naghimala at nagmilagrong bumaliktad ang mundo at nanalo ng pagka presidente ang jamby e baka bumangon from somewhere yung asawa nya para maging first gentlemen.
nakupu, si erap naman walang kakupas kupas talaga,di nalang ienjoy yung kanyang retirement, malakas talaga makalasing at maka adik ang power ano po.