Monday, December 07, 2009

GRETCHEN BARRETO PRAYS THE ROSARY FIVE TIMES A DAY At Ang mga ASO SA SYON

 Dear insansapinas,
Minsan gusto mong magmumog ng holy water para di ka makasabi ng bad words sa mga title ng article tungkol sa mga kontrobersiyal na mga celebrities.


Kagaya ng pagdadasal daw ng limang beses ni Gretchen Barreto ng rosaryo araw-araw.  


Anong gusto niyang palabasin, na relihiyosa siya. Ganon? Na siya ay binibyayaan dahil siya ay relihiyosa? Ganon?


Pakibato nga ako ng tinapay kahit walang palaman. Toink. Sinabing huwag lagyan ng palaman. May palamang potted meat kasama pa ang lata.


Sabi ko nga sa ka-email ko, bakit kaya kahit sa mga bloggers,  kailangang ipangalandakan ang kanilang mga bahay, mga bagong biling kotse, camera at sabihing sila ay mga successful businesswoman eh, pahulugan lang naman ang kanilang negosyo. (Meron din akong blog na mga sinasabi ko ang binibili, kailangang maerase. delete, delete, delete) .Guilty your honor pero hindi ko naman kailangang isa-isahin pati pako kong binili not unless relevant sa topic. Para tuloy ang impression, ngayon lang sila nagkakaroon ng mga bagay-bagay na ito at proud sila sa achievement nila. Okay kung ganoon Mr. Freud.  Eh kung iba pala at insecurity pala ang dahilan na kailangang material possessions ang ipangalandakan para mafeel ang happiness na hinahanap at recognition na inaasam?



I will tell you. You will still feel empty kung ang basehan ay kung ilang libo ang kinikita mo sa isang buwan, ang mga binibili mong branded and designer wardrobe, shoes and jewelries at ang iyong mga achievements.



At the end of the day, nasa closet lang ang mga damit  at walang nakakita kung hindi yong mga moth na nakatago doon.

Meron akong naging cliente na milyonarya na later on naging kaibigan ko. Ang kaniyang mga mamahaling pabango ay nasa isang closet na malaki. Ipasok mo ang isang kotse, kasya, mayroon pang espasyo para sa isang tricycle.

Pinamili niya ako kung ano gusto ko, wala akong kinuha. Wala ang brand ko. Yong bang sa Quiapo na nasa heringilya pagkatapos iwiwisik saiyo. Pagkatapos ng ilang oras, amoy kalapati ka na mababa ang lipad.

Palagi naman niya akong nililibre sa five-star hotel. Hindi ako comfortable pag inililibre palagi. Parang feeling ko poor ako na kailangan palaging inililibre.

kaya ako naman ang naglibre sa kaniya. Pero sa Max lang kami. Minsan dinala ko siya sa may gilid ng FEU, at binilhan ko ng banana cue. kain naman siya.

Minsan din dinala ko siya sa Divisoria. Meron doong intsik na nagtitinda ng lumpiang sariwa, chinese recipe. Eh chinese din siya. 
Pero naupo rin siya sa bangko at kumain. 

Tuwang-tuwa siya. May buhay daw pala sa labas ng kaniyang airconditioned na bahay, kotse at opisina. 

Aso sa syon 


Ang kaibigan ko nga ay nagrereklamo kasi ang eyebags daw niya ay pwede nang lambitinan ng isang dosenang dwende at may lugar pa 
sa kanilang hari.
Nag-attend siya ng induction ng officers ng kanilang Asosasyon ng mga Taga--(insert the name of the province or town). Nagdrive sila ng anim na oras para lang makaattend. 


Ako kasi hindi mahilig umattend sa mga ganoong okasyon (talagang suplada ako at loner, so sue me). Minsan ginagawa lang nila ang mga eleksiyon na ito para magkaroon ng reason na magparty. masuot ang mga mamahaling damit nila na hindi nila masuot sa araw-araw dahil baka nakauniporme sila sa trabaho. Walang masama doon.



Pero diyan mo mameet ang mga taong tatanungin ka kung saan ka nagtatrabaho, magkano kinikita mo, ilan ang bahay mo, ilang taon ka na States at kung minsan ang mga tactless tatanungin ka kung US citizen ka. (biglang bato ng mga platong papel). Kapag bagong salta ka lang, hindi ka nila babatiin kahit tapilukin mo sila.


Minsan hindi ako nakahindi sa imbitasyon ng isang kaibigan. Dahil wala akong hilig sumayaw ng mga ballroon dancing,(mga MJ  kind of dances ang akin...kasama palagi ito kasi sayang ang mga ibinabayad sa mga DI)  pumuwesto ako sa sulok para maging wallflower. Muntik na akong diligan noong isang ulyaning matanda. 

May lumapit sa aking lalaki, bata pa, nagpakilala. Accountant daw siya. Umigkas ang kilay ko. Kung hindi ko nahawakan baka lumangoy sa sabaw.

Sige lang siyang salita. Nang tinanong niya ako about myself. Narecognize niya kung sino ako. Ako pala si Darna na kumakain ng numero araw at gabi. Pag ayaw ko ay niluluwa ko.

Ang hinayupak, kumukha lang ng short term course sa vocational school ng accounting for non-accountants.
 Tseh.

Pero mabuti rin kung sasali sa mga asosasyon, lalo kung bago pa sa States, para may network.

Pero may nameet din akong isang babaeng caregiver na nakakuwentuhan ko noong ilang buwan pa lang ako sa States. Pagkatapos naming magkuwentuhan tungkol sa buhay niya...hindi ako mahilig ikwento ang buhay ko...gawin pa nilang 
script at gawing pelikula...inuutangan ako ng isanlibo. Tiningngan ko ang mukha ko sa salamin, mukha ba akong may dalang sanlibong dolyar? Nag-oofer pa siyang i-drive ako sa ATM, eh wala pa akong ATM noon kasi sa ilalim ng mattress ko lang tinatago ang aking savings. 


Tumingin ulit ako sa salamin. mukha ba akong lokohin? 


Mula noon sinumpa ko na tuloy na huwag umattend ng mga okasyon na yan. 


Pinaysaamerika






16 comments:

  1. hahahahaha sumakit ang tiyan ko kakatawa dun sa mga huling kwento hahaha oha e di napadalas ang tingin mo sa salamin mam hahaha.

    teka, si gretchen ba yan? anung ngyari? nasapak ba yung nguso nya ni manny?nagrorosaryo daw 5x a day? bat kelangan pa nyang ipangalandakan? ako din naman e hala ipapangalandakan ko din mayabang ako e, ayokong pinapaandaran ako e...

    pagkagising
    bago magkape sa umaga
    bago umalis ng bahay
    pagkain ng lunch
    meryenda
    hapunan
    bago matulog

    ooops talo ko sya...


    ulitin natin.

    si rosaryo dating kong boardmate at ka officemate nung araw...

    pagkagising- rosaryo, sinung una sa banyo?ikaw o ako?

    bago magkape- rosaryo, ala nakong kape baka meron ka?

    bago umalis ng bahay- rosaryo, ikaw magsusi ng pinto ha?

    pagkain ng lunch- rosaryo, sinung taya sa lunch ngayon?

    meryenda- rosaryo, sabay ba tayo mag snack sa canteen?

    hapunan- rosaryo, sched mo ngayon magluto ng hapunan ah.

    bago matulog- rosaryo, sure ka naka lock yung pinto?

    ReplyDelete
  2. yun yung mga tinatawag sa ilokano na agraraman,di ko alam sa tagalog sabihin ng maayos hahahahaha.
    proud lang siguro sa mga achievements nya, o baka naman isip nya e kung ikukwento nyang ganun ang mga na achieve nya e makakahakot sya ng respeto from others.
    kasi nga e my mga taong they judge you from your cover kahit di ka naman book.
    pag mumu lang ang suot mo e ang cheap mo ayaw ko seyo sa divi lang ang suot mo o from UK (ukay2)
    at pag naman ang
    mga suot mo e mamahalin abah abah mamahalin di halatang
    credit card ang ginamit at di obyus na second hand pala from ebay,oha, yun pala ang daming utang kasi shoppaholic (huhuhu parang ako shopaholic).
    i dont dress to impress,
    i just dress to get dressed,para
    lang di ako naka bombang lalabas ng bahay.
    ngkataon lang na dito maliliit ang mga tao kaya wa choice ako,
    dapat akong bumili ng signatures (hmpt di rin pumayag na di makapagyabang).
    tutal nagyabang narin lang ako e lubus lubusin ko na, marami din naman akong mga damit ah!
    yung mga sobrang tela ng kukur (kukurtinahin) at mga bedsheets at mga mantel at table runner naiipon ko para marami akong damit na mapagawa sa modista para sa mga party at mga future okasyones hihihi.
    aba e kung magkaterno kami nung mantel na cover ng resto aba e di center af attraction ako devah?

    ReplyDelete
  3. ang nabalitaan ko nagsimba nga raw yan si GB mula noong hinamon ng Mikaela Bilbao tungkol doon sa commission na hinihingi niya kay Dodie Puno sa mga transaction sa road projects.

    Isa lang ang alam kong Rosario, yong aking kaopisinang inahas ang pwuesto ko. Pagkaalis ko naman siya ang inalis.

    Natuto siyang magrosaryo para maghanap ng trabaho.

    ReplyDelete
  4. hahaha.
    si GB natutong magrosaryo ng mabuking sa komisyon, at yung dati mong ka office mate natuto magrosaryo dahil wala ng trabaho.
    naalala ko tuloy bigla si rosario, napakabait nung taong yun,
    kahit na nga ako palagi ang naghuhugas ng pinggan kasi hate nya talaga mag urong e ako din naman,kaso sa sobrang kabaitan nya e sige nalng ako nalang taga urong hahaha.
    san na nga kaya sya ngayon,
    mam pwede manawagan dito?
    ay ganun po ba? ahhh kala
    ko kasi pwede dito manawagan,
    po?ahhhh dipo ito radyo?
    oo nga naman.
    (nawala nanaman ako sa topic)

    ReplyDelete
  5. lee,
    meron namang nsgbablog na alam mo hindi pagyayabsng ang kaniya. pero marami na talagang msyabang.

    Rh mayabang din ako..bwahaha, ayaw kong masapawan.

    marami kasi noon na nagkuwento, libong dolyar daw ang kinikita nila sa problogging kahit hindi. marami tuloy naengganyo na magretire o mag resign para magproblogging din lalo na pag nagbablog ng mga binili ang mga bloggers mula sa kinita nila.

    ang malungkot, hindi naman pala totoo.

    meron namang pinangangalanakan na malaki ang kinikita nila pero nagsosolicit pa rin ng donation sa kanilang blog.

    ReplyDelete
  6. ganun?bat diko inabot yun hahaha.
    late bloomer ako e kelan kolang nalaman na my kita pla sa blogging kahit alang kwenta (gaya ng blog ko) ang post basta lang meron post.
    kawawa naman
    pala yung mga naniwala at nagfulltime blogger nalang?
    my alam nga ako si jezlau concept yata yun ewan nalimutan ko ng username basta bata pa sya,na sabi nya nuon sa blog nya e yung pambayad ng pad na tinitirhan nya e galing sa blog, wow kako
    not bad ah!
    ngayon ba wala na?
    wala akong idea kung magkano talaga ang kita sa blogging,my libo libo pa pala?
    makapag resign na nga rin hahaha,
    kaso di pala totoo na ganun kalaki?
    anu beeeeh ang gulo ko.
    hahahahaha.
    sana yung iba naman
    bago nag resign e tinry muna nila kung totoo nga tapos nung alam nilang talagang
    maaasahan at worth ipagpalit yung mga trabaho nila
    e saka sila nag decide mag fulltime blogger nalang.
    ay ako e
    mayabang ako talaga jejeje
    kaso diko ididispley sa blog ko yung mga binili kong mga
    mumu na shoes at bags
    at baka bigla akong padalalhan ng truck ng basura at ipahakot yung mga binili kong bags at shoes na mumu waaaa.
    lagot sila pag natunton sila ng
    mga kawatan sa internet
    at abangan silat paghoholdapin yung mga mamahalin nilang shoes at bags at pauwiin silang naglalakad na nakatakop ng news paper kasi pati mga damit na mamahalin hinarbat na ng mga holdaper jejeje.

    ReplyDelete
  7. mam, my tanong ako?
    bakit nagsosolicit ng donation sa blog?san nila dadalhin yung nasolicit?sa mga charity?o charity to own lol.

    ReplyDelete
  8. ayan na nga ba ang sinasabi ko e, magsisimba lang gagamitin ang simbahan pag nainvolve sa mga kaso o scandals, anu bang nasa isip nila? na tanga ang mga tao at iisipin na once pinakita nila na nagdadasal/rosario/lakad paluhod sa quiapo e bigla banal/santa na kagad sila sa isang iglap?
    tamaan sana sila ng kidlat sa kuko.

    ReplyDelete
  9. meron kasi noon at meron pa rin naman ngayon pero maliit na ang bayad, wala pa yatang 100 dollars sa mga entries na gagawin araw araw. mga special topic yon about diabates, about parenting. isa sa pinagkakitaan yan.

    meron naman yong pay per post at review me...na binabayaran ang mga bloggers sa giagawa nilang pagpopromote ng product sa kanilang blog.

    karamihan naman kinikopya lang yong naisulat na tungkol sa prouct.

    minsan lahat ng blog product endorsement na.

    makikipag-unahan ka naman pag kuha ng prouuct na iienorse mo among the list.

    Triny ko minsan yan, pakaliit ng bayad, aabutin ng isangbuwan bago mo malamang approve ka.

    meron namang magaling magbayad lalo mataas ang traffic mo at page rank.

    yong iba sa google adsense. pinakiclick nila sa kanilang mga kakilala. ang hindi nila alam may way ang Google idetermine kung sino ang mga nagciclick.

    Matagal magbayad ang Google kasi chinicheck nila kung magkakakilala ang mga nagciclick ng ads.

    hindi mo pedeng iclick ang ads mo kahit nasa iba kang IP.

    kaya kahit na gaano kataas ang traffic kung walang magciclick, wala ring income.

    ReplyDelete
  10. o di ba ako noon, niregaluhan ng batik na table runner may kasamang napkins. Nagandahan ako sa design. Pinagawa kong damit. Pag punta ko sa Indonesia muntik na akong habulin noong lamesa. hahaha

    ReplyDelete
  11. o sige manawagan ka na.

    noong umalis ako sa opisinang yon, nagMBA ako. Pagkatapos ko piagturo kaagad ako.

    At alam mo kung sino ang naging estudyante ko, si Rosario. Pinatawad ko naman siyya kasi pinangakuan lang daw siya ng promotion at dagdag na sweldo para isumbong niya ang mga sinabi ko.

    bago siya nakapagtapos, nakapangasawa siya ng Puti. Dinala siya sa Amerika at balita ko nagcaregiver.

    ReplyDelete
  12. yong mga nasosolicit nila ay kanila na. kagaya ni brian di ba, maraming nagdonate.

    pero sa pinas naman hindi lahat may paypal kaya mahirap magdonate.

    gaya-gaya lang naman yan.

    ReplyDelete
  13. hahahaha tawa ako ng tawa sa batik kasi meron din akong kurta na batik hahaha mapagkakamalan akong bintana,kasi mukhang kukur hahaha.
    sa india nakakatuwa,
    ang mga damit/kurta/salwar kamiz e nakaka shocking ang mga colours dika masasagasaan kahit sa hating gabi, yun ang type nilang mga kulay,yung shocking colours at talaga namang nagmumura ang kulay,
    marami ko nun hahaha.

    nku mam,e pagdating sa mga ganyang bayaran sa blog e napaka abnoy ko,ala akong alam,
    ang alam ko lang,ang mga bloggers e hilig/libangan/palipas oras lang nila at di pinagkakakitaan.

    ReplyDelete
  14. katuwa naman pala mam, naging studyante mo pa pala si rosario hahaha.

    ReplyDelete
  15. yong batik na ibinigay sa akin maganda, tatlo lang ang kulay, itim, brown at light brown. hindi flowers ang design kung hindi malalaking squares.

    noong minsan namang suot ko yon (gandang ganda ako noon doon dahil pumpapayat ako) may nakasabay ako sa elevator na mag-ina. May yakap na throw pillo anmg bata. Kagaya ng batik ko. Labas kaagad ako, baka ako naman ang i-throw nila. bwehehehe

    ReplyDelete
  16. ganiyan lang talaga sa graduate school. may mga kakalse sa college na istudyante ko sa Graduate.

    tapos noong nagdoctorate ako, kaklase ko naman mga dati kong professor sa MBA.

    ReplyDelete