Tuesday, December 15, 2009

MAYON VOLCANO and the Canned Goods

Dear insansapinas,


photocredit: MSNBC
Daragang magayon means a beautiful madien. One of the legends of Mayon Volcano tells us a Romeo and Juliet-like love story.

The lovers, Daraga and Handiong belonged to different tribes. They decided to commit suicide when their families engaged in a bloody tribal war to prevent their union.

Mt. Mayon was believed to be where Daragang Magayon was buried by her family. .


Every now and then, the volcano erupts. Old folks said that she's still furious of what happened to her lover. One of the most devastating eruptions was in 1766. More than two thousand people perished and a church in Cagsawa was buried leaving only the bell tower on the surface. I've been to Cagsawa Ruins, Mt. Mayon, Mt. Bulusan and Mt. Isarog when I was bitten by a travel bug.


To date, alert level 3 was raised and more than 20,000 people were evacuated as the volcano spewed ashes and lava.


I an praying  for the safety of our kababayans. 


Canned Goods
These are not meant for food donation. I've been alone for a week now and except for rice and some veggies, I have canned goods overload. BURP. Inuubos ng kapatid ko yong bakasyon niya kaya drive siya sa Boston.


Katamad magluto kaya pinakialaman ko ang mga natutulog na tuna at sardines sa kanilang lata. Uhm. sarap.

Pagkatapos may spinach at okra na nilagyan ng kunting low sodium na toyo. Yum yum.

Tumawag din ang aking kaibigan. Nakalimutan kong i-greet ng Happy Birthday.

Tanong niya kong hindi ako nalulungkot at ako ay nag-iisa. 

Sabi ko hindi. Nasa status siguro ako na naghihintay ng iba pang misyon. Nafulfill ko na amg mga nakaraan kong misyon, ang maging "father", mother, friend, lover, mentor at cash register. Yong bandang huli, mas madalas ang labas kaysa sa pasok. Bwahaha.


May article akong nabasa na isang sikat at controversial na doctor na babae ang pumupunta sa isang nababalitang babaeng naghihimala. Wala naman siyang sakit.


Kasama niya ang mga iba pang mga alta sosyedad na matrona na dapat ay maligaya na sa kanilang milyon at mga malapalasyong tahanan. But they still feel empty. They are still searching for the meaning of life. Money can not buy love and happiness.





Pinaysaamerika
 


15 comments:

  1. yung BFF kong taga legaspi,walang tigil kakakulit sakin na pumunta dun at kahit daw isama ko pa si mader at yung aking anak e sagot nya plane ticket.
    mula dun sa beranda nya kitang kita yung buong image ng mayon,ganda.
    ngayon nga e galit na sakin hahaha kasi hanggang dito pinuntahan nya ko pero sya diko mapuntahan dun,so bago kami magkasolian ng kandila e malamang makarating ako dun.

    ReplyDelete
  2. speaking of mga canned goods,sa bahay ang mga tao ayaw ng canned goods,ako naman yun ang gusto ko lalo na yung saba saka hokkaido lalagyan lang ng sibuyas,suka o kalamansi grabe dami kong makakain,ayaw ko lang yung sardinas na my sauce na red,naalala mo mam yung mga sarnines nung araw na portola?yung lapad? naku,yung mga igorot nun sa baguio ginagawang pomada yung oil nun yuuukk masusuka ka sa amoy pero very proud sila kasi means yun ang ulam nila huh!
    pagka nga naligaw ka sa bahay nila sasabihin sayo...
    pasensya na kayot di kami nakakaba sa palengket nakabili ng de lata kaya manok nalang ang ulam ahihihi.

    ReplyDelete
  3. naku mam, ayoko lang sanang magsalita ng tapos at ayoko sanang maging judgemental sa mga ganung tao na nasa kanila ng lahat lahat pero di pa ri masaya.

    ako mam,believe me,my mga di aayon sa sasabihin ko,pero ako...pera pera pera lang ang kelangan ko ngayon at pera lang ang makakapagpasaya sakin sa ngayon dahil yun na lang ang kulang hahahahaha hahahahaha hahahahaha

    ReplyDelete
  4. lee,
    maganda talaga doon. noon pumupunta ako sa hot springs.

    pag pumunta naman kasi ako noon, nakaarranged na kung saan ako mag-iistay at talaga namang kita ko rin ang Mayon Volcano.

    pero bata pa ako noong nagtravel ako sa Kabikulan. hindi pa ako marunong magdala ng camera. panay sulat lang kami noon sa aming journal para a report sa iskul.

    ReplyDelete
  5. yong aking kaibigan na milyonarya, despite sa dami ng pera niya, mabait ang asawa, malungkot pa rin.

    wala ng challenge.

    ReplyDelete
  6. dito ang paborito ko ay ligo pero wala masyado kaya Spanish sardines ang meron.

    suggestion din ng nutritionist ko yang sardines or tuna.

    pero actually tamad magluto talaga. hahaha

    ReplyDelete
  7. hahaha pareho pala tayong tamad magluto.
    saka katwiran ko sus nagiisa naman ako sana kung my kasama ko.
    di naman kasi lahat ng bagay na maganda mapapasatin e, yung maraming pera di masaya, yung walang pera di masaya kasi walang pera hahaha ang gulo.
    ako naman kaya ko sinabing magiging masaya ko pag marami akong pera kasi marami akong gustong bilhin na diko mabili hahaha adik ako sa shopping e,pano naman nagiisa lang ako dito anu pa bang iba kong pwedeng gawin.

    ReplyDelete
  8. gusto ko din yung sardines na my spanish oil mam, sarap ulamin ng mga kalamansi

    ReplyDelete
  9. Ma-try nga Ms. Cat yung recipe mo sa sardinas. I love spinach din kasi, mukhang masarap. :)

    ReplyDelete
  10. lee,
    addict din ako sa shopping pag ako lumalabas. kaya di ako nagwiwindow shopping kasi pag-uwi ko hindi pwedeng wala akong dala. karamihan libro at sapatos. pero noong lumipat ako dito, hirap ako sa dami ng gamit na pinamigay ko ang iba.

    ReplyDelete
  11. snow,
    hindi ko pinagsama yong spinach at sardines.

    as is lang yong sardines.yong isa may tomato sauce at iyong isa naman ay may olive oil.
    yong spinach hiwalay kong niluto.

    yomh okra rin, boiled lang siya na may kaunting toyo.

    ReplyDelete
  12. mam yung mga taga probinsya yung sardinas na my tomato sauce yung ligo niluluto nila ng my sabaw tapos nilalagyan ng dahon ng ampalaya para daw di malansa, at ulam na ng buong pamilya kasi pamparami pag my sabaw

    ReplyDelete
  13. yung iba naman nilalagyan ng miswa, ayoko nun nalalansahan ako sa lasa,pero yung kapatid ko ang ginagawa,nilalagyan ng quaker oat na hilaw tapos dudurugin yung sardinas kasama nung quaker oat tapos lalagyan ng egg tapos piprito parang nuggets.
    kelangan kasi nyang mag experimento ng maraming klaseng ulam dahil yung mga bata madaling manawa.

    ReplyDelete
  14. o diba nga yong sa probinsiya namin ganyan. yong mackerel naman. sa dami ng sabaw parang libag na lang yong sardinas. hehehe

    hinihiwalay ko rin ang tomato sauce.
    yong sardinas, nilalagyan ko lang pinong asin.

    ReplyDelete
  15. hahahahahaha para kang yung kapatid ko, para nalang daw libag after hinilod ng bato hahahahaha

    ReplyDelete