Monday, December 14, 2009

LITTLE CHRISTMAS TREE-malungkot, masayang Pasko

Dear insansapinas,



Ang unang Christmas tree na nagisnan ko ay totoong puno. Aguho, tawag sa amin. Ewan ko kung saan kinuha ng father ko yon. Tapos may mga Christmas bells na papel. Yong natutupi, saka mga Christmas balls na gawa sa crepe paper. Nakasabit ang mga Christmas cards saka ribbon.  Ang parol naman ay gawa mula sa kawayan na binalot ng Japanese paper at may mga palara. Pag walang nakatingin, binabasa ko ang red Japanese paper at pinapahid ko sa pisngi ko at labi. Presto, may lipstick ako at blush-on. Kurot ang abot ko sa mother ko. Landi ang ibig sabihin ng laki ng mata ng kuya ko sa akin. Tseh nila. Feeling ko ang ganda ko.



Tapos iba't -ibang klaseng Christmas tree and ginagawa namin tuwing Pasko kagaya ng walis tingting, pininturahang sanga-sangang puno, hanggang mauso yong inassemble. Nakabili rin ako ng Christmas tree na binebenta sa Roxas Boulevard.


May contest palagi sa village namin sa pinakamagandang block. Palaging panalo ang aming street sa decoration. May potlock,  contest sa group dance at may parlor games. Wala sila sa akin sa relay palaging talo. Bagal ko kasi. Paseksing maglakad kahit nagmamadali. ahahay.  Nakakalungkot na anim na sa mga kavillage ko ang namatay. Yong asawa ng publisher ng libro ko ay namatay bago magPasko. Naka confine sa hospital dahil sa blood pressure. Nagpilit lumabas dahil wala raw magluluto ng noche buena. Tumaas ang bp at tuloy tuloy na siya. Sumunod na rin ang kaniyang asawa. Stroke. Pareho rin noong isang kavillage na teacher naman. Siya ang life of the party. kung hunagalpak ng tawa ganoon na lang. High blood. Yong isa namang tahimik ay namatay sa cancer at ang aking clos friend sa village ay namatay noong December 2007 dahil sa enlargement of the heart. Dinalaw pa niya ako dito sa States noong 2005.




Unang Christmas tree ko sa United States ay totoong fir tree. Amoy mo pa eh. Problema pagkatapos ng Pasko, hindi kukunin ng garbage collector pag hindi mo inilagay sa isang specific na lugar. Nakakatakot pa pag tuyo na,baka masunog.





Kaya, nang maggarage sale yong security guard sa amin (nag divorce sila ng domestic partner niya) binili ko yong Christmas tree niya kahit April pa lang sa halagang 10 dollars. Ang tagal ko ring pinagsawaan yon at hiningi ng aking kaibigan dahil wala na siyang makitang ganoon. Tinutupi lang kasi yan at hindi yong isa-isang ikakabit ang mga branches.


Pinamigay din pala ng asawa ng kaibigan ko sa kaibigan nila. kainis.
Ito ang paborito kong Christmas song. 


Little Christmas tree
No one to buy you
Give yourself to me
You’re worth your weigh
In precious gold you see
My little Christmas tree

Promise you will be
Nobody else’s
Little Christmas tree
I’ll make you sparkle
Just you wait and see
My little Christmas tree

I’ll put some tinsel in your hair
And you’ll find there’s a strange
New change that you have never seen
I’ll bring my boy a toy, he’ll jump for joy
To see his bright new queen

With me you will go far
I’ll show Saint Nick
The tree you really are
And there’ll be peace on Earth
When daddy lights your star
My little Christmas tree (2x)

You’re big enough for three
My Little Christmas Tree…

Pinaysaamerika 

15 comments:

  1. Nakakalugkot kasi mula ng dito ko ma assign
    sa chia e dina ko nakakauwi ng xmas at new year,
    kasi nga ang long holiday dito ay yung chinese new year
    kaya dun kami nakakauwi aside dun sa low season na mid year,
    e yung ibang kilala ko sa US company, talagang xmas uwi sila
    kasi yun ang end ng season nila.
    Kung sabagay nasanay na rin ako na xmas and new year
    na ulilang kulugo ako dito,dating gawi tambay sa hol inn, inom inom sa lounge habang nakikinig ng nagpeperform, kasi dito ang xmas e trend lang,dedecor lang sila ok na.

    ReplyDelete
  2. bakit nga ba pag papalapit na ang xmas parang ang lungkot na tapos babanatan pa ng negative 0 na degree brrrrrrrr, lalo akong nagmumukhang ulilang kulugo dito.
    yung sister ko nagtext,namiss daw nya ko bigla kasi ang dami na raw sa supermarket na festival ham hahaha
    kasi alam nyang gustong gusto ko yung festival ham,kasi pag wala ako dun di sila nabili kasi walang my gusto.

    ReplyDelete
  3. natatawa ko dun sa papel de hapon na ginawang lipstick, gawain din kasi namin nung maliliit pa kami e hahaha

    ReplyDelete
  4. noon sa trabsho, di rin ako makauwi ng Christmas. Pinakabusy sa amin ang December. Milyon milyon ang hawak...hindi akin. mga donations.

    tapos magsasara ng libro sa beginning of the January. Hanggang April na iyon, busy sa audit.unahang magschedule ng mga vacation at personal time. Once a month entitled kami noon ng holiday. alang ni ha ho, kailangang kunin kung hindi babawiin.

    ReplyDelete
  5. naku lalo naman ako dito. walang kakilala. walang pinoy na malapit.

    at least sa Calif, may nag-iimbita sa akin sa bahay nila. pero ayoko pa rin. mas gusto kong mahiga, nakabalot ng makapal na kumot at nanonood ng reruns.

    ReplyDelete
  6. dumaan yata ang mga babaeng bata sa ganiyan.

    gusto kaagad maginig dalaga. gustong magmake-up na alam naman ng ibang tao, papel de hapon lang.

    kasi walang mga smudge at smear pero mukhang manika ng hapon na may pula sa pisngi.

    meron pa nga diyan yong pulbos ba ng insik yon. Solid siya at parang chalko na ikakaskas mo sa mukha.

    ReplyDelete
  7. hahaha polbo yun ng hapon mam yung maputi parang polbo ng geisha, parang chalk nga yun, pinagamit sakin nung araw yun kasi sobrang oily ng mukha ko, pampaalis daw ng pagka oily, ayun awa ng pineapple juice, nagkabako bako lalo pagmumukha ko dahil naalergic yata dun sa chalk na yun,ang lalagyanan e box na maliit.

    ReplyDelete
  8. nung maliliit pa kami di kami maka make up kasi walang nagamit ng make up sa bahay lol, si mader never gumamit ng make up,
    yun lang malalaking sapatos na my takong yun ang sinusuot namin at yung malalaking tuwalya na ibabalabal at maglalakad my dalang sandok at ang korona e tabo kunyari miss universe jejeje.

    ReplyDelete
  9. nakakatamad naman lumabas pati, kasi napaka ginaw, my pasok din naman kami ng pasko at new year, walang pangilin ang mga litsing tao dito kahit manlang sana one day
    ng xmas, wala sa kanila yun e,dimo nga ma feel kahit katiting ang spirit ng xmas dito, ang mga sta clause na naka display sa mga supermarket e dimo malaman kung sta clause nga.
    my xmas tree at sta clause na nakita kong inilalagay
    kanina dyan sa lobby sa ibaba netong building,
    kokodakan ko nga ng makita nyo kung anung chura ng mga display nilang pang xmas decor dito maka sunod lang sa trend kahit anu nalang.

    ReplyDelete
  10. sige nga kodakan mo nga yang decor ninyo.

    dito may contest ng decor para sa terrace. wala akong nakikitang nakadispley.

    alam mo bang kahit sa school daw ay walang celebration ng Pasko.

    kasi ayaw nilang maoffend ang hindi kristiyano. Pero may gift-giving ang mga bata.

    ReplyDelete
  11. ang ginagamit naman namin ang iyong mga skirt ng mother ko na balloon. hanggang dibdib at hanggang talampakan. kunwari gown.

    noong nasa College ako at meron kaming laboratory pag wala ang prof. namin, pinaglalaruan namin ang mga butong nakatambak doon.

    yong panga(mandible) ang korona at iyong ulna (buto ng kamay o kaya ang femur (buto sa paa) ang aming setro). Ngiiiii.

    ReplyDelete
  12. ngiiii mga buto hahaha.
    naalala ko tuloy nung hi-skul ako e sa tabi ng sementeryo yung skul namin,yung mga nakatira sa loob ng sementeryo na mga bata nagbabatuhan...mga bungo nyeeee.

    i think at this era, wala ng naooffend sa mga ganyan,ako nga e naturingang wala kaming pasko pero nakikipasko pa rin jejeje
    trend na yun e nakamulatan na dina mabubura,kung dito
    na di naman sila lalo kristiyano at infact wala naman silang Dios,ni hindi nga nila kilala si Jesus at di nila alam kung bakit my pasko hahaha
    pero nakiki merry xmas sila at ang malls punung puno ng mga xmas decor at bilihan naman ang mga tao pati xmas tree.

    ReplyDelete
  13. dito lee,kasi sensitive ang mga tao sa kanilang rights. may christian, may muslim, may jewish at maraming kulto na pati bible ay pinagbabawal sa ibang schools.

    ReplyDelete
  14. kung sa bagay sa mga fanatics talaga, medyo sensitive nga.

    ReplyDelete
  15. nabasa mo yong balita na yong bata drinowing ang crucifix noong tinanong sila kung ano ang nagpapaalala sa kanila ng Pasko.

    sinuspende ang bata at pinadadala sa psychologist. eh Katoliko yong bata siyempre ang Catholic, si Christ ang nasa Christmas.

    ReplyDelete