Dear insansapinas,
photoforwrded by bayi
Sa isang pinasukan ko naman sa SF downtown kung saan ang opisina namin ay six-storey building at nasa ikatlong palapag kami ang aming dining room ay may lutuan;stove at oven although kung gugustuhin namin ay libre ng aming lunch sa ground floor. Alas dos nga lang. Saka ang dami mong kasama at ang mga menu ay pare-pareho sa parehong araw kagaya ng dry na dry na fried chicken pag Monday na pag kinain mo gusto mong ibalibag. Pag Tuesday naman ay meatloaf na parang nagsauna sa oven nang matagal. In short, buti pang magbaon ka na lang.
My kitchen/dining room sa ikalawang palapag,pero palaging nakalock. Sungit noong VP na babae na ng opisina ay nasa second floor.
Ang sa amin palaging bukas kasi gumagamit din ang ibang floor. saka may vending machine.
Noong una walang nawawala. Tapos napansin ng aming kasama sa Accounting na bawas ang mg prutas na baon niya.
Tapos marami rin ang nagrereklamo na nawawala ng soda nila. Ang soda kasi s vending machine ay dollar samantalang pag binili mo wholesale wala pang 50 cents isa. So baon sila kaysa bumili sa vending machine.
Nagplay detective na naman ako. Abah. may isang babaeng itim na may dala-dalang tote bag.
Kinukuha ang mga baon sa fridge. Hindi siya empleyado doon. Nagkunwari lang na may appointment doon sa training office namin.
Bigla tawag ako ng security. Ang walanghiya, ginawang grocery ang aming fridge.
Sabagay ako hindi naglalagay ng pagkain sa fridge. Mahirap. Eh kung mayroon galit saiyo at lagyan ng dumi ang pagkain mo.
Pinaysaamerika
Sa dati kong work place, lagi din nawawalan ng food sa ref. Yung kumukuha naman e yung mga student assistants. Pano ba naman kasi, hanggang gabi pa kami sa office. Ang ginagawa ko, pag hindi nila pwede kunin ang food, nilalagyan ko ng sulat: "Huwag kainin. Kay _____ ini!"
ReplyDeleteButi di nila kinukuha kahit may pangalan.
ReplyDeletemay commercial dito yong insurance company featuring a gecko na nagrereklamo din dahil nawawala ang kaniyang pagkain.
Di nila kukunin yun kasi ako yung bossing nila. hehehe
ReplyDeletehahaha takot din nila anoh.
ReplyDelete