Saturday, October 17, 2009

Fridge Note-Mga magnananakaw ng pagkain Part 1

Dear insansapinas,



photoforwrded by bayi.

Noong bago pa ako sa Tate, may trinabahuhan ako na temporarily, ang opis namin ng boss ko ay yong dining room kasi ginagawa pa ng opis namin. May maliit na fridge sa dining room kung saan tambakan ng mga baon ng mga empleyado. Hindi sabay-sabay ang break ng mg empleyado kaya kmi ng boss ko, bitbit namin ng mg folder at hanap kami ng vacant desk. tapos balik na naman sa round table pag wala na ang mga kumakain.

Minsan matatalim na tingin sa amin ng mga empleyado. Nawawala ang mga baon nila kung hindi bawas, halatang kinagatan.

Ang suspects ay kaming dalawa dahil kami ng palaging nasa dining room. Malay ko ba kung sino ang kumakain o magnanakaw.

Hindi naman lahat ng araw-araw nangyayari. AHA.

Nagplaydetective ako. Huli ka.

Isa siyang part-timer na taga Middle East at istudyante raw. Hindi ako pinaniwalaan ng HR kasi anak-mayaman daw ito at hindi pwedeng magnakaw ng pagkain.

Hige,huwag kayong maniwala.

Mga ilang Linggo lang, may pulis na dumating sa opis. hinuli ang istudyante kuno. Yong pala istudyante sa casino. Panay talo kaya kahit pagkain walang maibili. Pinahuli siya ng mg ksamahan niya. Ninakaw din ang pagkain nila at pera na siyang pinagsusugal sa casino.

Gusto kong lapitan yong HR at sabihing, BEH.

No comments:

Post a Comment