Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 6 Karugtong ng kabanata:
Dear InsansaPinas,
Tuloy ang kuwento ni Rick-Ang pagkikita- ito totoo-totoong totoo na. Sumpa man.
Inimbitahan siyang umupo ng nanay ni Auria. Paglakad niya sa may sopa, nakasunod ang mga paslit na ususero. Para siyang isdang nasa aquarium. Inuusisa, tinitingnan bawa’t kamay ng kaniyang buntot. Para siyang ibong nasa hawla na pinagmamasdan kung malapit nang mamatay o kakanta o kakain. Para siyang baboy… ehekk.
Naglabas ng maiinom ang nanay ni Auria. Isang maputlang orange Juice. Tila ba maputlang natakot sa multo o nakalimutang maglagay ng kulay. Malamig ang tubig pero kulang ng asukal. (Kapintasero naman ng Rick na ito. Ako, ito insan, sumisingit sa kuwento ni Rick).
“Eh taga saan ka ba iho? Mukha yatang dayo ka rito sa amin?” tanong ng nanay ni Auria,
Habang ang mga mukha ng ibang matatandang babae doon ay naghihintay din ng pagkakataon para siya matanong.
Ah akala mo interrogation. Ako ulit ito, sumingit sa kuwento. Malapit ko na kasing matapos ang aking kinakaing ice cream, iniisip ko kung ano ang isusunod kong kunin.
“Taga Maynila po ako”. Maikling sagot ni Rick. Hindi niya sinabing Estetsayd siya. Baka raw lalong magkagulo ang mga nakikiusisang kamg-anak na naroroon.
Paano naman kayo nagkakilala ni Auring?
May pagka NBI rin pala ang nanay ng babae. Kaya lang natural lang yon sa nanay. Ang iba ngang nanay pati bank statement inuusisa.
Bago pa man nakasagot si Rick, may dumating na babae. Kagulo na naman ang mga hinayupak na mga kamag-anak.
Maganda siya. Balingkinitan ang katawan. (wow sabi ko, kahit hindi ko naman nakikita, bakit ba panay ang singit ko dito. Makakakuha na nga ng kape.
Tumayo rin si Rick para sabayan akong kumuha ng kape.
Pag-upo niya ay tuloy ang kuwento.
Si Auria nga iyon. Kaya lang bakit parang katatapos lang umiyak?
Itutuloy.
Ang iyong pinsan,
Pinoy,Pinay, balikbayah,
love
No comments:
Post a Comment