Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 6 Karugtong ng kabanata:
Dear InsansaPinas,
Tuloy ang kuwento ni Rick-Ang pagkikita- ito totoo na talaga.
"Hindi ko siya kilala ah. Baka nagkamali ng bahay. sabi ng Baby. Eh mister, sinong baby ang hinahanap mo?tanong niya kay Rick.
"Auria ang pangalan niya pero Baby daw ang kaniyang palayaw", sagot ni Rick.
"Ow, si Auring. Baby nga rin siya. Pero di siya rito nakatira. Doon sa likod. # 305 ito, yong kanila #305 A. Pinsan ko siya."
"Ibig mong sabihin si Baby Liit ang hanap niya? Akala ko pa naman may nagkamali na saiyong magpakasal". sabad ng matandang lalaki.
"Si Tatang, pinagbibili ako." tampo kunwari ang anak.
" Eh kung ipagbibili kita, por kilo. Mas tutubo ako. hehehe". Sige na nga samahan mo na.
Umikot sila sa bahay na malaki at sa likod nga ay mas maliit na bahay. Kumatok si Baby Damulag. Dumarami ang mga taong nag-uusisa. Para bang isang buong baryo ang nagising sa paghanap sa isang dalaga ng isang binata.
Ang nagbukas ay matandang babae. Humalik ng kamay ang kasama niyang babae. May lumabas na isa pang may edad na babae na bumunghalit ng:
“Oy Baby, nobyo mo? Kaswerti mo naman. Hang pogi.” May kasama pang hampas yon.
Sa lakas ng salita ng babae, marami pang nagdatingan. Hindi malaman ni Rick kung saan nanggaling ang mga yon. Bata, matanda, pangit, maganda, mabango, mabaho, pandak, mataas.
“Hindi ko Tiyang. Hinahanap ho si Auring”. Sagot ni Baby.
“Si Auring ko? Bakit daw?” tanong ng matanda.
“Ewan ko, hindi ko pa naman ho naitanong eh. Nasaan ho ba si Auring?”
“Wala siya. Nasa bayan at mayroon daw siyang kakausapin. Pero babalik na siguro yon.
Gusto ba niyang maghintay?”
Itutuloy.
Ang iyong pinsan,
Pinoy,Pinay, balikbayah,
love
No comments:
Post a Comment