Friday, November 24, 2006

Si Pinay at ang Thanksgiving Day sa US of Ey

Si Pinay at ang Thanksgiving Day sa US of Ey

Dear InsansaPinas,

Thanksgiving dito sa Estet. Dati-rati, may turkey akong tinatanggap doon sa dati kong pinagtatrabahuhan. At namimigay pa ito nang mahigit dalawang libong pabo sa mga taong pipila sa harap ng opisina, mula ikapito ng umaga, hanggang alas onse ng tanghali. Daay, non-profit yon anoh. Kami ang tagapakain ng mga nagugutom, tagapainom ng mga nauuhaw at taga-ampon sa mga walang matirhan. Hindi po kami pilantropo. Huwag kayong hihingi ng pagkain sa akin, hane. Kami lang po noon ang tagagastos ng mga perang ibinibigay ng mga pilantropong kagaya nina Warren Buffet, Bill Gates at iba pang sobra-sobrang yaman.

Balik tayo sa turkey.
Yon na nga, di haba ng pila. Dalawang kalsada ang okupado. Tamang-tama, papunta ako noon sa bangko para ideposito ang ilang libong tinanggap naming mga donations. Abah, ang mga babaeng singkit na halos hindi makapagsalita ng English ay may dala-dalang turkey na nakuha sa pagpila sa aming opisina ay maraming balot ng turkey sa isang grocery cart, mga ilang kalsada ang layo sa amin. HUWAG NINYONG SABIHIN SA AKING SOBRANG GUTOM NIYA para kumuha ng limang turkey anoh. Sasampalin ko kayo. Ooops. Matalian nga itong kamay ko. (palo-palo sa kamay). Urhhhm, ayan medyo kalmado na ako.

Ang mga turkey po ay binibili ng dalawang dolyar ng mga pareho nilang singkit na maaring may restaurant o may tindahan kung saan nagbebenta ng turkey. Dalawang dolyar? Hanep ang tubong makukuha nila.

Sa ilang balik sa pila, may mahigit 10 dollars nga naman ang babaeng singkit na lagi kong nakikitang naghahanap ng basyong lata ng soft drinks sa basurahan.

Hindi ko na ito sinumbong sa mga kataastaasang mga diyos sa aming opisina. May batas kasi kaming nakasulat na huwag tatanggi pag may lumapit at humingi ng tulong. (Huwag ninyo akong titingnan, hindi ako kasama sa batas na yan).

Isa pa, isang araw lang naman itong nagaganap, hinayaan ko nang kumita siya. Nasaan ba ang pamilya niya. Masapok nga.

Ilang taon din yaong tumatanggap ako ng turkey na ipinamimigay ko sa may malaking pamilya. Kasi ako naman, hindi ako kumakain marunong magluto ng turkey. Ang lalaki pa naman na minsang niluto ng aking kabalay, isang taon yata akong napurga sa roasted turkey, reheated roast turkey, reheated for the nth time roasted turkey. In short, inokupa niya ang malaking espasyo ng aking freezer.

Kaya minsang namigay, ulit, pinili ko yong pinakamaliit. Sinabi ko sa sarili ko na kailangang matuto akong magroast ng turkey.

Kaya nang huling luto ko. Ito. Tadyan.

pinaysaamerika
photographer:polo


pinaysaamerika

,
,,

No comments:

Post a Comment