Soul Mate Meets Soul Mate sa Internet-Another Pinay Love Story 2
sub-title : Oh Pag-ibig, balikbayan man ay balikbayan pa rin.
Part 9 Karugtong ng kabanata:
Dear InsansaPinas,
Mahaba pa ang kuwento ni Rick, insan at kung tatapusin niya doon sa kinakainan namin ay mamumulubi sa dami ng aking kinain. BURP. Excuse me.
Kaya tinapos namin ang pagkain at pagkatapos magtip ng $5 doon sa busgirl na nag-uuntugan na ang kilay sa inis dahil ang tagaaal talaga namin ay lumarga na kami.
Sa bahay ko na lang kami magpapatuloy ng kuwentuhan.
Habang nasa kotse ay itinuloy niya ang kuwento.
Ito ang kuwento niya na pinakinggan ko naman habang panay ang sulyap ko sa salamin.Wala na pala akong lipstick.
Niyaya niya si Auria na kumain sa labas. Nagpaalam sila sa magulang nito.
Wala pang isang oras nasa restaurant na sila sa bayan. Labinlima sila lahat.
Buti na lang mura lang ang pagkain doon. Naisip niya, ulit-ulit yayain na lang
Niya si Auriang lumabas at saka na sila kakain. Di kagaya nito, isang batalyon
Ang sumama. Wala namang giyera.
Sabi ko, hindi pa kasama niyan ang mga kapitbahay ha?
Medyo nangiti si Rick. Siguro talagang nakatatawa nga naman na isang pamilya
ang pakakainin mo pag isinama mo ang iyong nobya.
Nakailang labas din sila at paminsan-minsan ay natitiyempuhan nilang magsolo
Lalo pag wala ang mga asungot na nakabantay at nakatanghod papasok pa lang siya
Sa bakuran.
Kinausap niya na si Auria na kailangang magdesisyon na siya dahil maghahanda na
siyang mamanhikan kung maari para maayos niya ang lahat bago siya bumalik
sa Estet.
Hindi makasagot si Auria.
Itutuloy.
Ang iyong pinsan,
Pinoy,Pinay, balikbayah,
love
No comments:
Post a Comment