Tuesday, January 03, 2006

Si Pinay at ang Traidor (Malapit na kayang malaman ang pangalan niya?)

Ito ang mga nakaraang kabanata.
Part 1,Part 2,Part 3,Part 4Part 5,Part 6,Part 7,Part 8,Part 9,part 10, Part 11



Lumanding na sila sa LAX (Los Angeles Airport). Nagsimula nang
magtayuan ang mga pasahero upang kunin ang gamit sa overhead
compartment. Kesehodang laktawan ka nila. Nagmamadali. Para bang
takot sila na umandar ang eruplano at madala sila sa sunod
nitong stop, ang San Francisco.

Nang wala na halos tao sa aisle, saka siya tumayo at inabot
ang kaniyang maliit na bag. Tuloy-tuloy din siyang lumabas
sa eruplano at sinundan ang daloy ng tao. Hindi niya
alam ang pupuntahan niya kaya sama na lang siya.

Dadaan sila sa imigrasyon. Isang pila ng mga turista at ibang
pila ng mga verde at mga US Cit.

Tiningnan siya ng immigration officer. Tinanong siya kung gaano
siya katagal. Tiningnan ang bitbit niyang maliit na bag.
Sabi niya baka tatlong buwan lang.(Patawarin po NINYO)siya
sa pagsisinungaling. Tinatakan ang passport niya.
Anim na buwan. Hehehe. Sa isip niya tamang tamang maghanap ng trabaho.

Sunod ulit siya sa mga tao. Dinala siya sa kung saan puwedeng
i-claim ang checked-in luggage.

May nakita siyang dalawang babae na may hawak ng papel kung
saan nakasulat ang pangalan niya. Haay salamat, hindi siya
maghihintay.

Si Nelia ang isa. Taga Mindanao at si Sonia ang ikalawa,
taga Maynila. Inutusan sila ng boss nilang sunduin siya.

Idinaan muna siya sa Mc DOnald para kumain. Kaliit na Mc Donald
yon. Hindi kagaya sa Pinas na magagara ang building at talagang
astig ang dating.

Nagtatrabaho si Nelia sa opisina ng babaeng tumulong
sa kaniyang makakuha ng tourist visa. Tawagin natin siyang
Mrs. B. Ang opisina nito ay isang temp agency at nag-aayos
din ng papel ng mga taong nakakuha nang magpepetition
sa mga tourist visa ang papeles.

Habang sila ay nag-intro-introduce ay may taong biglang
nangisay sa malapit sa kanila.

Abangan ang karugtong.

Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment