Dear insansapinas,
Nakahanap na nga ng bagong bahay si Kabalay. Nakausap na niya ang may-ari. Pinatatawag siya pagkatapos ng tatlong araw. Tatawag pa yon sa kaniyang
employer. Titingnan kung sapat ang kaniyang kinikita para makabayad sa upa.
Naghanap din ako nang malilipatan. Pag umalis ang aking kabalay, wala na
akong matinog makakasama. Hindi na ako matino, mwhehehe.
Pagkatapos ng tatlong araw, tumawag ang may-ari ng bahay na gusto niyang
lipatan. Rejected siya dahil hindi sapat ang kaniyang kinikita. Maganda
ang lugar. Dalawang kuwarto, isang malaki at isang maliit. Isang
garahe at mayroon pang paradahan sa labas. Malayo sa main road kaya hindi
delikadong magparada ng kotse sa labas.
Tsssk tsssk sayang. Pero bigla siyang nag-isip. Bakit di ko kunin.
Tapos, uupa siya sa isang kuwarto. Tanong ko, paano ang pinsan mo?
Uuwi na raw sa Pilipinas yon. Magbabakasyon lang uli sa kaniya ng ilang
Linggo tapos uuwi na kasi mag-eexpire na ang visa niya na hindi narenew.
Hige.
Kaya takbo ang beauty ko sa landlord at landlady. Nars ang babae at
retired US navy si lalaki.
Approved ang aking application. Ako ang main tenant. Libre tubig,
garbage fee. Kuryente, cable, gas at telepono, amin ang bayad.
Hige.
Naunang maglipat si Kabalay kasi libre siya ng weekday. Ako
weekend pa at manghahalbot pa ako nang tutulong na magbibitbit
ng aking mga abubot.
Marami ang damit ko. Refrigerator na maliit, TV na maliit, radyo na maliit
pati couch ko maliit. Wala akong bed kasi provided kami ng bed sa lumang
balay at sangkatutak na libro. Sa isang taon kung pamamalagi dito, laman
ako ng library, second hand bookstore at raider ng mga garage sales
sa tabi-tabi. Karamihan, libro ang nabibili ko. Nagsubscribe pa ako
sa isang Daybook club.
Pag bago kang dating , amoy ka ng mga ganitong mga publisher na
papatol ka sa kanilang $ .99 per book, brand new para lang mag-apply
kang maging member. Ikaw naman na bagong salta't kalahati kaagad. Biruin mo
sina John Grisham, Mary Higgins Clark ay $.99 lang. Barat sale di ba.
Pero pagkatapos nang unang order mo, dating na ang mga sumunod na kopya.
Maibabato mo sa mahal. Ipadadala pa saiyo by mail at puwedeng ibalik pag
ayaw mo, provided, hindi mo binuksan ang package.
Dating na dating ang libro, panay naman ang balik ko sa Post Office hanggang
sabi ng Post Office, hindi na sila tumatanggap ng mga return na ganoon.
Kung gusto ko raw ay putulin ko ang subscription ko. Taksiyapo. Inistress
pa ako ng publishing companies na yon. Loko, putol ang subscription ko.
Bakit ako magbabayad ng cloth bound novel sa halagang 15 dollars na pwede ko namang bilhin sa paperback ng wala pang $3.
Ano sila sinuswerti. Hoyyyyy, babaeng barat ito.
Hmmm. mabalik sa paglipat. Kaya lang, buti yata bukas na.
Magluluto na ako ng hapunan. Lalagyan ko naman ng kamatis yong
sardinas ano.
I shall return. Pramis.
Pinaysaamerika
mag-eenjoy ako sa mga ganyang sale.
ReplyDeletebagong bahay, bagong environment, bagong kwento... aabangan ko po!
sabi ko na nga ba acheng kita talaga eh! pareho tayong mahilig sa garage sales. pati sa mga second hand shops, libro din hanap ko. :D
ReplyDeletekenji,
ReplyDeletebumubili rin ako ng mg book for sale ng mga library. mura talaga siya.
mevsy,
ReplyDeleteminsan may nabili akong book of knowledge taya yon. Bigat. 5 dollars lang puwede pang Weapon of destruction may kalaban ka. Either ihampas mo o ihulog sa kalyo. hekhekhek
nikki,
ReplyDeletetenk yu sa dalaw at pagsubaybay.
kiws,
ReplyDeleteminsan hindi lang libro, baka may seond hand na lalaki. hahahaha nagbibiro lang po.