Wednesday, June 01, 2005

Si Pinay at si Kabalay-Masinsinang Pag-uusap

Dear insansapinas,

Kung maari ayokong pinatatagal ang suliranin sa pamamagitan
ng hindi pagpansin. Kaya kung kailangang kausapin ang dapat
kausapin ay aking ginagawa. Tinatali ko muna yong aking anghel
sa kaliwa. Baka manapak.

Sa isang tasang kape at pandesal na ang palaman ay itlog
na nilagyan ng kamatis(nilagyan ko pa pala ng sibuyas, niluto
ko ng husto yong kamatis ha...sandali naging cooking class
tayo) kinausap ko si kabalay.

Alam ko kakong mainlab pero hindi inlab yong kaniya.
Libog yon.(Ay patawarin ako ni Santa Barbara, kailangang
getsing aki ng holy water at wisikwisikan ko ang
aking mata). Bakit ba ako nakikialam kong siya ay magtampisaw
sa burak habang kumakanta ng Sapagka't Kami ay Tao Lamang.
(sintunado nga lang). Kung hindi pa siya bihisan ng
blusang itim, hindi pa siya sigro gaganda. (sampal with
matching tsee).

Ang ayaw ko ang binababoy ang aking bahay ng isang
bisitang ang utak yata ay nasabit sa eruplano bago nakarating
sa bahay at akala niya ay bisita ang taong nakikitira ng libre,
kumakain ng libre sa matagal na panahon. I won't
mind mag-ampon ng taong pakakainin ko ng matagal dahil
wala pa siyang makuhang trabaho, pero yong
turista raw pero balak yatang magtago nang
magtago, ibang usapan yon.

Ang bisita ay yong alam niya kung kailan magpapaalam.
Cheber ko kung maging eternal tourist siya rito
but not at my expense. Cheap niya noh, ginawa niyang
hotel, motel at bar ang bahay.

Humingi ng pasensiya ang aking kabalay at sinabi
na lilipat na raw ang pinsan niya doon sa tatay nitong
beterano sa LA. Kung pwede lang daw hanggang Lunes dahil
Linggo ay bersdey nito at gusto namang maghanda.
'No birthday party?

Pakiramdam ko ay gusto kong magsabi ng hindi. Pero
okay lang. Mula ang mapunta ako sa Estet, naging
mabait yata ako ng isang tulog.

Sa ibaba ang party nila. Sa itaas ako nagtambay.
Ayoko ng usok. Hindi ako naninigarilyo. Hikain pa
ako. Hindi sila marunong magbasa. NO SMOKING.

Amoy ng kaldereta, pinapaetan at iba-iba pang
pulutan. Sa isip ko, saan ba nanggaling ang mga taong
yon. Ganoon pala silang magkakamag-anak.
Isang kaarawan, bayan ang iimbitahan.

Dinalhan ako ng pagkain ni kabalay. Salamat sabi ko.
Pinababa niya ako pero sinapo ko ulo ko at sabi
ko na parang may nagkakarpintero sa aking utak.
Panay ang martilyo. LAKAS KASI NG KARAOKE NILA.

Habang sila ay nagpapaligsahan nang pagkanta
ng MY WEE ni Frank Sinatra, sumalisi yata yong
dalawang magsinta sa silid ng aking kabalay.
Lintek na kama kasi niya ang laki. Gustong
gusto nilang gawing playground.

Hindi ko alam anoh. Hindi ako sumilip.
Nalaman ko nalang nang parang may rebolusyon
yata sa baba na isang Gabriela ang nagsisigaw.

"Lumabas kayo diyan mga walanghiya. Mga taksil,
mga traidor mga baboy."

Dagdag ko, mga hayok.

Asawa ni lalaki. Dumating. Ahaaaa magandang
panoorin. Tapat ng kuwarto ko ang kuwarto ni kabalay at
ang bintana niya ay nakaharap sa kalye, samantalang
ang bintana ko ang nakaharap sa likod bahay. Puwedeng
tumalon doon at lumabas sa kalye ng hindi na dadaan
sa pinto sa harap.

Pero ano siya sinuswerti. Nakapantalon na si lalaki.
Pumasok sa bathroom. Maliit ang bintana. Patuloy
ang talak ng asawa at pinipigilang umakyat ng
mga kamag-anak ng pinsan. Magkakilala naman sila.
Palagay ko nga isa sa mga ito ang nagbigay ng tip
sa asawa na hindi ito pupunta sa Monterrey tulad ng
paalam.

Hindi bumaba si babae. Bumaba lang si lalaki.
Kuwento ng aking kabalay, kalmot, sipa, suntok
daw ang inabot sa asawa. Buti wala ako sa ibaba
kung hindi, sana ay naiabot ko sa kaniya yong
tennis racket.

Isa-isang nag-uwian na ang mga bisita. Amoy
kambing, baboy at baka ang bahay.
Pagkatapos makapaglinis si kabalay, nagspray
ako ng lysol para pati yong amoy ng kataksilan
ay maalis.

Pinaysaamerika

6 comments:

  1. feeling ko nagbabasa ako ng libro ni nicolas sparks, di ko mabitawan mouse ko.

    enjoy ako... can i link u?

    thanks & God bless!

    ReplyDelete
  2. tenks nikki,
    when i have the time, i am going to link you. read ur blog olredi.
    blogger is so unstable that going to the template is not that easy.

    ReplyDelete
  3. hi butik
    p'reho pala tayong accounting.
    counting 1, counting 2, counting 3.
    ganda ng site mo.

    ReplyDelete
  4. ok ah.. ma-aksyon pala sa balay. wala na bang kasunod? ;)

    ReplyDelete