Friday, June 10, 2005

Si Pinay ang Love Story ng Pinsan

Dear insansapinas,

Umalis na rin ang pinsan niya kinabukasan.
Hindi pa gising ang mga anghel nang siya ay umalis.
Yong anghel ko sa kaliwa ay naghihilik pa.

Gabi na nang magkita kami ni Kabalay. Malungkot siya
pero hindi naman siya galit sa akin. Hiya pa nga siya.

Magkakababata at magpinsan nang malayo ang pinsan
niya at ang dating nobyo nito. Sa kanila kasi, magpipinsan
nag-aasawahan.

Pero iba na ang mga pamilya ng lalaki. Kailangang
may pinag-aralan na ang babaeng pakakasalan nito
para hindi mahirapang maghanap ng trabaho pag
dinala na sa Estet. Sosyal.

Unang uwi ng lalaki ay di pinayagang makipagkita
sa pinsan niya. Sa halip ang pinadalaw ay ang isang
kababayan na katatapos lang ng kolehiyo.
Naging lima singko ang mga salitang, traidor.
taksil, mamatay ka na sana...Ganoon bang
mga ekspresyon ng galit. Siguro kung
mabubuhat lang ang buong bahay ay nabuhat
na at naibalibag sa poot. (Haaay nakakapagod
kahit isulat lang).

Nakaabot sa pagkaalam ng pinsan niya ang nangyari.
Pinilit niyang makausap ang lalaki pero talagang
parang sa teleserye na gumagawa lahat ng paraan
ang mga magulang para ang kanilang layon ay matupad.

Nagalit ang pinsan. Sumama nang makadate sa isa
pang manliligaw hanggang sila ay maging magkasintahan.
Hindi pa man siguro tinatanong ay sumagot na
ng sige na nga.

Ang lalaki ay pilit na umuwi sa pinas nang hindi
kasama ang magulang. Una niyang pinuntahan ay ang kaniyang
gerl pren. Hmmmm masigasig din.

Katok siya sa pinto ng bahay. Lalaki ang nagbukas,
"Nandiyaan ba si Lucrecia?", tanong nya.
" OO, sino ba sila ? balik tanong ng lalaking nagbukas
ng pinto pero kalahati lang.
"Si Onesto kamo",pakilala ng lalaki.
"Onesto? yong dati niyang boypren?" tanong ulit ng
lalaking nagbukas ng pinto pero kalahati lang at di parin
binubuksan ng buo.

"OO, ako nga, at ikaw? paninipat ng tanong ng lalaki.
"Ako si Cito, boypren niya ngayon." tugon ng
lalaking nagbukas ng pinto pero kalahati lang at di pa rin
binubuksan ng buo at tumayo sa gitna ng pinto.

"Tawagin mo siya, sabihin mong nandito si Onesto."
mariing binitiwang salita ng lalaki.

"Ayaw ka niyang makita." sigaw ng lalaking nagbukas
ng pinto pero kalahati lang at di pa rin
binubuksan ng buo at tumayo sa gitna ng pinto at
sinara ito.

Biglang dating ang gerl pren na may kasamang alalay
na gelay.

Hindi man dapat magsalpukan ang dalawang
mangingibig ay nag-iringan sila bago nag-
ala Robin Padilla at ang kalabang goon.

Sigaw na sigaw si bading.

"Ay mamah, akey ang kinikilig. Mayonga ang
beauty mo, dalawang jowas nagshushuntukan
para saiyo. Kabog talaga".

Panay siya klap na para bang nanonood ng
world werestling.

Ang gerl pren ay nakatingin lang, pero
may ngiti siya sa labi.

Ang ingay ng bading. Naroong hampasin
ang bagong boypren oops nagkamali pala
yong dating boypren at sabay hawak sa
ulong may kasamang roll eyes:
Ay nakakaloka talaga. Witsilya talaga
mag-papaawat ng shuntukan.

Natapos din ang pag-uumbagan nang gumitna
ang Pinsan ni Kabalay.

Pinamili si Pinsan ng kaniyang dating
boypren.

Itutuloy...(maghintay kayo).

Pinaysaamerika

1 comment:

  1. punung-puno ng aksyon! la pa bang kasunod? parang komiks. :D

    ReplyDelete