Insansapinas, ituloy ko ang kuwento ko. Insan, gising ka pa ba?
Nasaan na ba tayo ?Ahhh umakyat na ako sa erpleyn. Hinanap ko yong aking upuan.
Tatluhan ang upuan. Isa sa may bintana, isa sa may "aisle" at isa sa gitna.
Lintek naman insan ang napuntahan ko, napagigitnaan ako ng dalawang malalaking
tao. Babae yong nasa may bintana at lalaki yong nasa may "aisle". Inilagay ko
muna yong handcarry ko sa overhead compartment. Nagpatulong ako doon sa mamang naglalagay din ng kaniyang backpack. Umigting ang muscles niya sa kamay nang itaas at isiniksik niya sa compartment ang aking maliit na bag. Patutsada niya,"
bakit naman dinala ninyo ang Manila Cathedral ?" Sagot ko naman," hindi
kasi pumayag ang meyor ng Manila na dalhin ko yong Quiapo Church."
Hindi pa man nag-iinit ang aking pwet sa upuan, nagpapaexcuse na iyong ale
sa may bintana. Pupunta raw siya ng CR. Hindi puwedeng hindi ako tumayo
at lumabas. Hindi siya makakaraan. Nakasimangot na tumayo yong lalaki sa aking kaliwa.
Siguro nakatapos na akong maggantsilyo ng sweater ng manika sa tagal nang paghintay sa kaniyang bumalik.
Habang naghihintay, napagmasdan ko ang aking mga kasabay na papunta sa 'merika. Karamihan sa kanila mga balikbayan na. Paano ko nalaman? Ang mga damit nila para lang silang pupunta sa mall o sa beach. Yong mga tinedyer, naka sapatos na
ala Moses at nakashort na ang pundilyo yata ay malapit ng sumayad sa tuhod.
Ang mga magulang din nila ganoon din. Yong iba, pagkaakyat sa erpleyn,
nagpalit ng tsinelas. May nakita pa nga
ako, nakapaa, para bang tinuring na niyang bahay ang erpleyn at mga bisita
niya ang pasahero doon.
Ang lintek, nakangiti pa siya. Parang tinutuya niya ako sa suot kong business suit na nag-iwan ng nagbawas ng timbang sa aking pitaka. Sarap niyang pitikin.
Napagitnaan ulit ako ng dalawang malalaking tao.
Maliit lang kasi ang erpleyn na yondahil sa Japan pa namin makukuha yong malaking
erpleyn. Sinilbihan kami ng mani at soft drinks. Akala ko yon na ang main dish
para sa haba ng aming paglalakbay.Kailangan naming lumipat sa Japan. Tinulungan ulit
ako noong mama. Hindi dahilmabait siya, kung hindi dahil naiipit ng aking maleta ang kaniyang backpack.
Buti hindi siya nagbanggit ng simbahan dahil mayroon pa akong Baclaran, St. Jude, Sto.Domingo...magvisita iglesia siya nang di oras. Humph.
Mabilis akong bumaba sa erpleyn. Tama ang sabi noong check-in counter attendant. Malayo ang susunod na gate. Wala pa namang masasakyan, kagaya sa ibang erport. Wala rin yong flat na escalator na tatapak ka na lang at hindi ka na lalakad. Susunod hindi na rin ako bibili ng ganitong maleta na pareho ang mga design at ang mga laki ay para bang Big,Medium, Small. Yong small ay meron ngang gulong, pero para pagulungin mo, kailangan mo ang yumuko. Sa haba nang lalakarin ko na may bitbit ng isang maletang MABIGAT, may leather jacket na MABIGAT at may handbag na may kamera, makeupkit
na MABIGAT, mangani-nganing sumakay ako sa maleta at magpagulong hanggang makarating sa susunod na erpleyn na sasakyan ko.
Itutuloy
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment