Mahal kong InsansaPinas,
Masaya ako at muli tayong nagkatagpo. Bata ako noong huli kitang nakita. Di ba ginagawa mo pa akong tsaperon noon sa mga deyt mo sa chicks. Tuwang-tuwa ako pag isinasama mo ako sa sine kasama ng nililigawan mo. Sabi ni Diko mo, hindi naman daw yong babae ang may gusto ng tsaperon, kung hindi para hindi ka mapikot. Tindi mo insan,kung malaki na sana ako noon, binuking na kita sa mga goirls. Binibilhan mo nga ako ng popcorn pero pinapaupo mo naman ako sa harapan ninyo at pinagbabawalan lumingon lalo na pagpatay na ang ilaw.
Nakasamang maghatid sa aking pag-alis ang iyong Ditse. Hanggang sa labas lang naman siya kasi bawal na nga ang pumasok sa loob. Tatlo ang dala kong maleta; dalawang checked-in at isang handcarry. Ayaw pumayag iyong nasa check-incounter.Kailangan ko raw icheck-in yon at magbayad. Ano siya sinuswerte? Alam ko namang entitled ang pasahero sa isang carry all. Eh kung mastranded kami, ano ang susuotin kong pajama,(3piraso), bihisan (tatlong piraso),panloob,4 na piraso; isang dosenang Chocnut, tatlong shampoo at conditioner (matapang daw kasi ang shampoo sa Estet, kaya nagdala ako ng gamay kong shampoo. Saka pala sabon na papaya, tsaang herbal, cebodemacho at aziete de mansanilla (bilin sa akin). Marami ba yun ?
Sabihin mo insan,marami ba yon? Saka pala tsinelas at dalawang tuwalya. Marami ba yun ?
Wala namang limit sa bigat ah hindi kagaya sa PAL na ang limit na timbang ay kasimbigat na ng maleta kong walang laman. Nakulitan sa akin yong visor kaya pinayagan ako. Sabi niya mahihirapan daw ako sa stop-over dahil malayo ang lalakarin papuntang gate sa connecting flight. Inirapan ko siya at lumakad akong laylay ang aking balikat sa bigat. Umph.
Itutuloy
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment