Dear insansapinas,
Alas tres, gising na ako. May appointment ako sa ospital ng 7:00. Pag natulog pa ako, baka magising ako ng late.
Biro ng nasa registration, did you bring your lunch with you? Nakita niya kasi na hanggang hapon ang procedures na gagawin nila. Sabi ko naman, Not only lunch but also dinner.
Natapos yong dalawang procedures kahit nagkaproblema sa aking kamay. Tumulo yong contrast habang nasa loob ako ng MRI. Tumulo rin ang contrast noong ako ay nasa CATSCAN. Ano ba ako butas? Ahek. I think I got a leak, sabi ko. Natawa yong radiotech. Dinala nila ako sa isang kuwarto na naman ng Nuclear medicine. Pinaupo nila ako sa isang mini-reception room. Tanong noong lalaki. Taga saan ka sa atin? Bigla akong napatanga. Ang hanep, Filipino pala. Kaya pala napakalinis. Ang buhok ay makintab na pwede nang magpadulas ang mga bugs. Ang kaniyang uniform ay plantsado. Kaya naman pala may problema. Wala pa yong gamot na iinjection nila sa akin dahil nakalimutan noong coordinator. Isip nila siguro kung Filipino ang kakausap sa akin, hindi ako masyadong magagalit. Big deal sa ospital ang madelay sila ng 15 minutes. Okay lang sa akin kahit na ginawa kong tulugan yong mga upuan sa TV room kahihintay ng tatlong oras. Ang lamig pa naman. Umuulan pa sa labas. Pati mga ibon, nagsisiksikan sa puno.
Actually, talagang may gap yong injection at yong scanning. So tinapik-tapik ko ang aking noo. Wala pa akong iniinom na gamot eh. Baka biglang magtaasan na naman ang aking blood pressure at blood sugar hindi ko mahabol
.
Punta ako sa cafeteria. Hindi pa ako nagbreakfast. Kahit tubig. Kahabang hallway ang nilakad ko. Maliwanag naman ang daanan. Sa dulo may nakita aking wheel chair na may nakaupo. Ngumiti yong nasalubong ko sa hallway. Dinaanan ko yong wheel chair. Walang nakaupo sa wheel chair na nakaharap sa akin. Ngiiiiiiiii
Kahit hindi ako kumakain ng ham sandwich, pinagtiyagaan ko na. Ang coconut water naman ay walang lasa. Pweh.
Alas tres na natapos ang lahat ng procedures. ZZZZZZZZZZZZZZZ
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment