Saturday, April 21, 2012

Kamote at Nilupak

 Dear insansapinas,


Deputy presidential spokesperson Abigail Valte said the initiatives may range from “recycling” uneaten rice for the next meal to turning to alternative foods.
Sus, eh di ba nga, sinasangag ito pag morning. Sa restaurant naman, nilalagyan din ng mga recycled na mga veggies at kinukulayan.
Sana mapababa ang wastage na 'yan. This is something we can all help with," she said on government-run dzRB radio.

Also, she said that while some restaurants have an initiative to ask customers to order only what they can eat, it would also help if Filipinos used alternatives such as sweet potato.
Pag  kumain ba ng sweet potato, mahihinto ang wastage? Consumption siguro, hindi wastage. 
 
Kaya mga kababayan, magbaon ng kamote. Magdala rin ng lysol deodorant spray. ' No bang mga advice yan ?

Ang mother ko, hindi ka papayagang iwanan ang pinggan mo na may sobrang kanin. Natutuhan niya ang leksiyon noong nasa Bicol pa kami at nakatira sa aming mga grandparents.

Nang umalis ang foreign corporation sa aming lugar, nagdecide ang father ko na pumunta ng Maynila. Kahit na ektarya ang lupa namin sa probinsiya, ayaw niyang lumaki kami doon. Gusto niyang makapag-aral kami sa City. Isa pa awayan lang dahil sa properties.

Hindi ako sure kung ang mother ko ang ayaw sumama o ayaw muna kaming isama sa City ng father ko  kaya tumira muna kami sa mga lola ko. Sa lola ko yata minana  ang pagkaindependent-minded (siya ang bread-winner) ko kaya, welcome and buong pamilya sa kaniyang bahay.

Nag-iisang tindahan ang kaniyang pag-aari sa island na yon kaya captive market niya ang mga nakatira doon sa lahat ng kailangan nila except sa bigas. Ang rice farms ay pag-aari ng pinsang buo ng aking mother na akala mo ay commercial model (kahit ang daan doon ay maputik, siya pa rin ay nakaputing pantalon at black and white na sapatos). Nang lumaki na ako at nanonood  ng mga pelikula ang tingin ko sa kaniya ay DON.


Ang mother ko naman ay nag-iisang babae sa island na may high-heeled shoes, naglilipstick ng pula at naninigarilyo. SOSYAL siya. Nag-aral siya sa siyudad. Ayaw ng aking uncle ang pagpapalaki ng lola ko sa aking mother. Sa kaniya, dapat ang babae sa bahay lang. Katulad ng kaniyang asawa na nang minsang lumabas sa siyudad, iniwanan ang step-in sa baytang ng bus. (No kidding kahit kuwento lang).


So ang arrangement ng lola ko ay susuplayan ng bigas kami ng aking uncle at babayaran ng aking lola. Maraming pera si lola sa arthritis pack niya na nakatali sa kaniyang tuhod.


Ang siste nito, madalas nasa iba't ibang islands ang lola ko, namimili ng mga supply, naniningil at nagdedeliver din ng mga order. Siya ang dalahan kasi ng mga items galing sa Maynila. Minsan may nagdala doon ng payong na ang hawakan ay may bulaklak sa loob ng tila kristal. Sabi ng nagbenta, may power daw yon. haw haw haw. Kala niya maloloko niya ang lola ko. Pinahabol nga niya sa aso.


Bago tayo maligaw kung saan-saan, ituloy ang kuwento tungkol sa bigas. Habang wala ang lola ko, sinundo ng aking uncle ang aking mother para raw kunin ang palay. Siyempre ang mother ko naman ay kuntodo nakabandana pa, nakastep-in na maganda at nakalipstick. Pagdating sa bukid, binigyan ng pang-ani ang mother ko. Sabi ng uncle ko, kailangan daw siya ang umani dahil lahat ng nagtatrabaho sa kaniya ay partehan lang. Kunwari, nakapagharvest sila ng isang sako, parte noon ay kanila at ang ibang share ay sa may-ari. Di ko lang alam kung paano ang hatian.


Walang magawa ang mother ko, Isang oras yata ay isang cup ang naharvest niya. Isandaang taon para makaharvest siya ng isang sako. Nagkasugat-sugat pa siya. Naawa naman ang mga kasamahan niyang magbubukid pero kailangan din naman nilang kumita.


Pag-uwi niya, hinika siya, nagkaroon ng trangkaso at ubo sa init at sa pagod.


Nang malaman ni Gabriela Silang eh eheste ng lola ko, sinugod ang aking uncle. Sabi ng aking uncle, tinuturuan lang daw niyang kitain ang kakainin niya. Ayaw paawat ang aking lola. Napahiya siya na siya ang bahala sa amin dahil kaya niya kaming buhayin. Binigay tuloy ang sako-sako ng bigas ng libre.


Sa mother ko, laking revelation kung paano niya nakitang maghirap ang mga magsasaka, kumain lang ng bigas.


Pero hindi kami kumain ng kamote. Kamoteng kahoy, oo na nilagyan ng saging na saba, niyog at asukal. Yum. Nilupak


Pinaysaamerika
 

No comments:

Post a Comment