Thursday, April 12, 2012

Failed

Dear insansapinas,


Hindi natuloy ang launching ng rocket. Sabi masama ang panahon. Yan ang mahirap pag ang mga leader talaga ay ang mga hindi decision-maker.


Sa Japan at ibang countries, ang decision nila ay bantaan ang NOKOR in case, tinamaan sila. 

http://www.cnn.com/2012/04/12/world/asia/north-korea-launch/index.html?hpt=hp_t3
Japanese missile defense systems scanned the skies above Tokyo and Okinawa. Japan has threatened to shoot down the North Korean rocket if it is seen threatening its territory.


Para bang sinasabi na, subukan ninyong kantiin kami. Lagot kayo.


Sa Pilipinas, walang kapasidad na manakot. Nabasa ko nga na isoshoot down din ang rocket, pag naligaw sa Pinas, ang nakalimutan yata ay wala naman tayong pagpabagsak ng rocket. Eh may nagsabi yata ng hindi pwedeng magbluff. Meron ba? Biglang tumahimik.


Kaya ang ginawa na lang ay huwag palabasin ang mga mangingisda na para bang sa dagat lang ang debris babagsak.



MANILA, Philippines – Several provinces went on alert as the 5-day window for North Korea's rocket launch began.In Baler, Aurora, several fishermen sailed despite the local government's warning that rocket debris could fall into the sea.Authorities followed the fishermen and ordered them to return to shore.The fishermen are now worrying about how to feed their families for the next few days. 

Paano kung bumagsak ito sa siyudad. Suspended nila ang klase ganoon? Huwag palalabasin ang mga tao na para bang hindi masisira ang bahay pag nabagsakan. Kung talagang  programmed ito  na bumagsak  sa dagat, bakit nagbabanta ang Japan? 


Ang alam lang yata nating panlaban sa disaster ay suspension ng classes, distribution ng mga relief goods (hanggang ngayon may nangongolekta pa), at mga photoop ng mga celebrities at politicians. Tseh.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment