Dear insansapinas,
Yessss, Virginia, once a year, an employee can bring a child to his/her workplace here in the US. Noong hindi ko alam yon, nagulat ako ng lahat ng kasamahan ko sa opisinang may anak ay may bitbit na isa o dalawa sa trabaho. Akala ko lahat nawalan ng nanny.
Kalbaryo ang inabot ko. Hindi sa hindi ako child friendly pero sus ang aking mata ay hindi huminto ng pagtaas, pagbaba, pag-ikot at ang aking mga kamay ay mabilis dumampot ng pwedeng pakialaman sa aking lamesa. Ang aking kilay ay hindi naghiwalay pero nakangiting pusa pa rin ako.
Yong aking kasamahan, dalawa ang dalang anak. Nag-aaway pala madalas yon kahit sa bahay nila. Pagnag-away pa naman, nagliliparan ang mga hawak nila. Kung hindi ako nakayuko, ang hawak ng donut noong isang bata ay swak sana sa ilong ko. Yum. Ganti naman yong kapatid. Bagel naman ang ipinambato. Tiningnan ko, walang PHiladelphia cheese, Hayaan mo siyang magkalat. Wala lang naman sa nanay nila na busy kasasagot sa telepono.
Minsan, tumalikod ako. Yong isang bata, naitubog na yong dalawa niyang daliri sa aking kape. Paano ko nalaman, napaso eh. Mainit. Whooo.
Napagkasunduan yata ng magkapatid na ako ang inisin. Sinundan ako sa printer, Inaayos ko pa lang yong blank checks for printing nang biglang pinush noong isang tsikiting ang button. Sus. Gusto kong itali ng patiwarik. Ang daming nasayang na tseke. Hindi na ako ngumingiti. Wala na yong kahit peke kong smile na inistretch ko lang ang labi ko from corner to corner. Lahat ng mga lapis at ballpen ko, nakalocked na. Ginagawang pangtarget. Pati ang mga spreadsheets ko, dinodrowingan. This means war na wala akong panalo. Kaso wala naman doon sa nanay. Para bang excuse yong mga batang manggulo sa opisina.
Yong isa kong kaopisina na wala ring anak ay nasira ang maliit na radyong pinakikinggan niya. Pinukpok ba naman ng stilleto shoes niya. Pero hindi naman lahat na bata ay istorbo. May mga bata naman a well behaved lalo pag nireraid nila ang iyong cookies. Kaya pala tahimik. Pag balik saiyo ng lata, wala ng laman.
Pinaysaamerika
hi!im jenny,filipina.living with my 5 kids in japan for 12 years.araw-araw kong binabasa yung blog mo.sumasakit na nga mata ko kasi sa mobile phone ko lang binabasa.kahit madilim na sa room ko basa pa din.hehehe!anyway,hanga kasi ako sayo,despite of the 2C that you're having,you still have that big humour that makes me laugh.honestly,i enjoy reading your blog.good luck!
ReplyDeletethanks jenny.
ReplyDelete