Dear insansapinas,
Just woke up. Naah, I am not confused. I know it is 6 pm. I was early today in the clinic of my oncologist to discuss the treatment after the surgery. Napagod ako.
He told me that I am going to lose my hair. Nagkaproblema tuloy ako kung anong klaseng wig ang bibilhin ko. Kulay pink ba? Kulay blonde or kulay puti. Acheche.
I watched the replay of the impeachment trial. I called up my friend. Told ya so. The allowances are greater than the basic pay when you are working in the government.
What was interesting to behold was Ret. Justice Cuevas when he was observing a prosecutor- lawyer cross eamined the witness. Para siyang si Silvester na nalunok si Tweety.
Yong prosecutor lawyer naman dinadala lang sa badgering style. Para bang masisindak niya ang mga witnesses.
Notary Public
Naalala ko ang kuwento ng aking kaibigan. Sa labas daw ng bahay ay may nakasabit na NOTARY PUBLIC. Sa ibaba may nakalagay na TUMATANGGAP NG LABADA. toinkz.
Dito sa US, hindi kailangang abugado ka para maging notary public ka. Kailangan lang maipasa mo ang licensing ng Notary Public. Wala rin silang mga opisina. May makikita ka sa bangko na ordinaryong emplyado. Noon ngang nagpanotaryo ako, yong copier sa isang store na ang business ay ang magpaphotocopy using laser.
Pero mahigpit sila. Kailangan talagang nandoon ka sa harap ng notary at sumusumpa. Kasi pag nagkabulilyasuhan, pati notary public kasama sa kaso.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment