Thursday, March 08, 2012

Scam targets PH teachers to work as US caregivers

Dear insansapinas,


Napansin ko ang news article na ito 


Scam targets PH teachers to work as US caregivers
Akala ko pa naman wala na itong scam na ito dahil mahirap kumuha ng mga documentations. Yong iba mga tira pa noong panahon ng in-demand pa ang mga PH teachers sa US. Minsan blanket authority ang nakukuha nila sa employer-to-be lalo kung maraming irerecruit kaya approved naman ang mga visa. Ang hindi alam ng mga Pinoy, matagal nang hindi nagrerecruit ng teachers dito dahil sa economy.


Ang mga naapprubahan ang visa ay nakakarating sila sa US pero wala silang trabaho kasi hindi naman talaga sila mapupunta sa mga schools. Kukumpisakahin sa kanila ng recruiter ang kanilang mga passport para di sila makaalis o pumunta sa kamag-anak hanggang hindi sila fully paid. 


Dahil ang caregiving profession ang masyadong low profile na trabaho, doon sila ipapasok. Tuwang tuwa naman ang may care home dahil maliit lang pasweldo nila. 



Karaniwan pag-aari rin ng mga Pinoy na naubos na ang mga kamag-anak na maloloko para magtrabaho sa kanila sa mababang sweldo at walang mga benefits.


Hindi dahil nakarating sa US ang mga nirecruit ay hindi na sila TNT. Technically pag hindi ka nagtrabaho sa employer kung saan ikaw penitition, illegal din ang labas noon.


Ang mga recruiter na nahuhuli sa ganitong sala ay cninaharge ng human trafficking. Ang mga nabibiktima ay nabibigyan YATA ng temporary visa. Biruin mo namang 10,000 dollars ang placement fee. Kahit limang taon sa pagtatrabaho sa carehome, hindi ito mababayaran.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment