Sunday, March 04, 2012

Go to Hell

Dear insansapinas,


I concur with the opinion of Angela Stuart Santiago, your honor. She wrote: 
miriam had reason, every time, to lecture the prosecution.  again and again she was provoked by the prosecution’s ineptness and panggagago.  whether or not we like her demeanor or her voice or her language or her scolding style, the prosecution deserved the scolding, every time.
This is in response to the statement of the  octogenarian spiritual adviser of the late President Cory Aquino that the lady senator from Iloilo is going to hell because of what she did to the prosecutors. Huh. 
According to the priest, she may be untouchable in the impeachment court . But in the eyes of God, Senator-Judge Miriam Defensor-Santiago could be “worthy of the fires of hell.”
Wah gusto nilang litsunin si Miriam Santiago for being frank and hyperintensive. Balik na naman ba ang panahon ng Kastila na pari ang maghuhusga sa tao?

For someone who was ministered by a priest in the hospital in preparation for the last rite the last time I had a major surgery, I was conscious enough to notice that the priest did not say anything about punishment that I may have deserved (kagaya ng kumakain ng baon ng mga kasamahan ko noon; ang magsinungaling sa mother ko na pumasok sa school, you pala ay nanood ng sine; ang mang-away ng titser dahil may favoritism. blah blah blah at mawala ang pasensiya sa mga istudyante dahil ginagaga nila ako). Hindi sila gago. Matatalino nga eh. Sa isip nila na mas matalino sila, nagpapalusot sila o kaya ay nagnanakaw ng eksena. Ginagago ang ibang tao sa pag-aakalang hindi sila mahahalata.


Kung ang bibliya naman ang susundan natin, sana ay di nagwala si Jesus sa templo nang makita niyang binaboy ang bahay ng Diyos. Kahit hindi siya naniniwala sa mga pari noon, hindi niya pinayagang bastusin ang simbahan ng Kaniyang Ama.


Sa El Filibusterismo, lahat isinisi sa mga estudyante ang gulo na siyang pinaniwalaan ng mga tao when in fact ito ay pakana ng mga pari.


Ang paniniwala ko, hindi sasabihin saiyo ng pari ang iyong kasalanan; tutulungan ka lang niyang humingi ng kapatawaran kung anu man yon, 


Kung ang pagmumura (hindi pa nga pims) ay magdadala saiyo sa impyerno, wala ng mapupunta sa langit. Paano naman na habit niya talaga ang magsisigaw at maging drama queen Yong boss naman ganiyan. Maglilitaniya, pagkatapos, iiyak na akala mo hindi siya iginagalang kaya raw hindi kami sumusunod. Pero sa totoo lang mas mabait pa siya doon sa pamuah-muah naming isa pang opisyal. 
Siguro ang iba, hindi nila alam na kahit sa loob ngcorporate board room ay nagliliparan ang mga f@#$%s na kung pagsasama-samahin, pwede ng masunog ang building. Pagpapalitan lang ng idea ang mga ito na kung minsan nauuwi sa gripe session. There is no such thing as polite society. There is only a society trying to be polite. 


Sexual harassment
Binabasa ko ang mga comment tungkol sa kaso ni Cristina Ramos-Jalasco at isinampa niyang kaso laban sa mga SPOILED BRAT na mga Azkals. Isang commentator doon na babae na dito raw sa States, hindi pinapansin yang mga kasong yan dahil ang mga babae raw ay sanay na sa mga lalaking nakabrief. Hellow. Saan kayang parte siya ng US at ano kayang klase ang mga kasa-kasama niya?
Kung meron particular sa sexual harassment ay dito yon sa US na kahit ang pagyakap-yakap at paghawak-hawak sa kaopisinang babae ay maaring ituring na sexual harassment. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment