Saturday, March 17, 2012

Bonsai

Dearsansapinas,

Napilitan ang PDI na mag-apologized ng magalit ang mga netizen sa pagpublish n retrato ni Mr. Vicente, ang defense witness na stroke victim.


Ngayon sa diyaryo ay may write-up sa pagiging bonsai artist ni Mr. Vicente kaya kinakailangan niya ag napakalaking loteng binili niya kay Cristina Corona.

Ang mapaglaro ong utak ay nagtatanong. Napunta ba sila doon para interviewhin ang matanda o pero malaman kung talagang siya ay nakatira doon. 


Ang dami kasing bonsai ang utak eh. 
=========================
Wala akong kimikilingan. Stiff neck kasi ako. Pero ayaw ko man o gusto ang isang tao ay di ko pinipintasan.Hindi ko tinaag na bansot ang dating presidente, hindi ko tinawag na abnoy ang presidente at iba pang mga pangalan. It is just me. Ang wish ko lang i-focus natin ang ating paningin hindi sa physical attributes.


May nabasa akong columnist na porke naman siya ay makayellow at nagpipilit-pilitang hindi siya yellow pati ba naman ang buhok ng witness ay pipintasan pa. Eh ano kung parang magulat ag buhok at nagtayuan. Eh ano kung naghalo ang paminta at ang asin. Kailangan mo na lang mangga at suka. Toinks.


Seryoso, wala akog pakialam doon sa pangheheckle lang ang ginagawa nang sumulat, ang problema ay ang mga seryosong writer  na isinisisi sa buhok sa hindi raw pinansin ng mga  tao ang ipiagtapat nito.  Kaya di sineryoso siguro yon ay dahil it is an open secret na ang kalakaran tungkol sa pork barrel. Mas masunurin ka, mas mataba ang mapupunta saiyo. Cholesterol din yan.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment