Thursday, March 01, 2012

Ang Titser, Bow

Dear insansapinas,

Personal
Bago ako pumunta sa aking topic, hayaan ninyong ikuwento ko muna kung ano ang ginawa ko ngayong maghapon.Pumunta  ako sa aking surgeon.


Dito ang ulan ay masinsin kaya hindi mo alam kung umuulan sa labas kapag nasa loob ka pa ng bahay na kulob ng bintanang laging nakasara, pintong laging nakasusi at kurtinang puwedeng hawiin pero wala ka pa ring maririnig mula sa labas. Kaya nang ako ay lumabas,sinalubong ako ng masigabong ulan. yehey. Kung hindi sa aking jacket at raincoat, nagmumukha akong basang sisiw. (Ayaw ko nang bumalik para kunin ang payong. Malelate ako). Tapos pahihintayin lang pala ako ng mahigit na tatlong oras sa clinic. Mga nauna sigurong nagpaschedule ng appointment an mga inabutan ko doon  at base sa dala nilang folder, sila ay nakaschedle na operahan. Hindi na ako nagreklamo total, marami namang magazine na mababasa. Pero ang doctor lang na yon ang nagpahintay sa akin nang matagal. Ang iba, ang pinakamahaba na ay kalahating oras.


Nang oras na ng aking appointment, tinimbang ako ngunit bawas ako ng mahigit 5 lbs, Ganoon ba kalaki ang nawala sa akin? thehehehe.O dahil wala na akong ganang kumain?


Ang kapartner na surgeon ang nag-attend sa akin. Tiningnan ang records ng aking discharges from the drain, Okay na raw, So sabi sa akin, kaya ko raw ba? Ang alin, tanong ko. Yong pa-alis ng tube mula sa loob ng aking katawan. Sabi ko Oooooooooooooo.Wah, biglang hinila ng doctor ang nakalabas na parte ng tube. SAKIT. Haba pala noong tube na yon.  Ang haba ng parteng nasa loob ng katawan ko ay parang kasinghaba ng lubid a ginaamit namin sa luksong lubid noong bata pa kami. Salbaheng doctor. Kaya pala masakit,dahil, pina-ikot-ikot ito para magkasya sa parte kung saan ito ay nakakabit. Pagkatapos lagyang ng bandage, pinauwi na ako. Umuulan pa rin. Hindi na ako mukhang basang sisiw, mukha na akong manok na itinapon sa tubig at pilit pinalalangoy. Tseh.


Ang Titser, Bow
Nagturo ako sa isang unibersidad kung saan, ang isang matandang titser ay inimbita akong mag-observe ng klase niya para raw matuto ako. Bata pa kasi ako noon. Siya ay parang lolo ko na. Hige. Parang pagbibigay naman ng respeto. Nakaupo lan siya sa harapan at dak dak ng dakdak. Hindi tuloy niya  napapansin (pero palagay ko imposibleng hindi niya makita) ang mga istudyante na naglalaro ng chess`sa may likuran ng klase.  Sa impeachment trial, ayon kay Clavio, may isang miyembro ng prosecution panel na naglalaro ng game habang nagsasalita si Miriam Santiago. Kung ako ang titser na yon, kukumpiskahin ko ang chess, lalagyan ko ng mustard at papadilaan sa mga istudyante. Tapos bibigyan ko sila ng assignment tuwing meeting. Sila lang.



Kulang nga siguro sa ethics ang mga prosecutors sa impeachment trial. Si Defense Counsel Cuevas ay tahimik na nakikinig habang pinapakinggan ang sagot sa kaniyang clarification. Kahit ayaw niya ang ruling nagpapasalamat pa siya.


Si Tupas, pagkatapos niyang magsabi ng manifestation at habang nahihintay ng sagot, walan tigil ang paggalaw. Nandoong ngumiti, nandoong lumayo sa mike o kaya ay makipag-usap sa kaniyang mga kasamahan. Hindi ba maaring hintayin niyang makatapos ang Senate President na makatapos magsalita  at kung kailangang magkonsulta siya sa mga kaniyang kasamahan, maari naman siyang humingi ng break?

Maraming beses ko nang inulit na once you are a titser, you will be a titser all your life. Ang mga explanation mo ay answerable by multiple choice, Differentiate and explain at Explain in not more than 20 words...blah blah blah.

Si Miriam ay nagdidiscuss ng mga concepts o theories na may kasamag lecture para mas lalong maintindihan ng mga tao. Disappointed ba ang abugadong kalaban niya na hindi siya makakaepal masyado dahil kasama ba yong article na idadrop kung saan siya ang mag-eexamine ?  At sabi nga ng guest expert, allowed ang mga judge na maglecture lalo sa mga abugadong mga arogante at hindi alam ang kanilang ginagawa? O talagang nasaktan lang siya sa mga reprimand sa kanilang incompetence?


Naalala ko ang sabi ng mother ko na an expectation ng tao sa kapwa nila ay nakabase sa pananaw nila sa kanilang sarili kaya kung inaasahan ng isang tao na maging napakagaling ng " The Help" wala nang papasok na katulong dahil mag-aaral na lang sila at magsisikap umunlad  ang buhay.


Ang frustration naman ni Miriam ay nanggaling sa mga taong katulad niya ang profession, kalevel ang IQ at maging ang mga eksperensiya. Dito ang expectation niya ay justified. Sa kaniya ang respeto ay pagpapahalaga ng mga tao sa kanilang pakikipagtagisan ng nalalaman. Kung wala ang nasabing paghahanda matapos ang napakaraming pagpapaala-ala, parang pimaahiwatig ng mga prosecutors na ito na ang kalaban nila ay patuka lang sa manok. You're not worth preparing for. Kung gusto nila ng respeto, ibigay  ang nararapat na respeto. Maghanda naman sila bago sila humarap.


Pinaysamerika

No comments:

Post a Comment