Sunday, February 19, 2012

Surgery Day 2

Dear insansapinas,
Saan ka naman nakakita nang ooperahan, nanonood pa ng DVD sa lab. Ganito yon.Dinala ako sa radiology department kung saan  may malaking camera. Parang xerox nachine na malaki o kaya flat bed na scanner. Kailangan may interval  na thirty minutes, sabi sa akin noong female Chinese na "photographer"hindi na lang ako dadalhin sa holding area tapos ibabalik ulit. Wala naman daw patiente, kaya pinanood ako ng DVD habang naghhintay." How To Lose A man in 10 days". Hindi ko naman gusto ang gumaganap, si Kate at si Matt; pero buti naman at nakahiga ako. Binibirahan ko ng tulog. Sana kung porn...erase, erase, erase.


Nng matapos and kodakan, inenjectionan direkta yong nakuha nilang lumps at ang mga nodes. Ngiiii, ang syringe eh kasing laki ng
maliit na screw driver.Sakiiiit. Tapos yong general anesthesia. Hindi raw pwede ang mababa ang ranggo.

Nang magising ako, nasa kuwarto na ako. Alas kuwatro na ng hapon.  Ang ingay. Wala namang tao except yong kapatid ko na tahmik na nagbabasa ng Kindle.


Marami na akong mga tusok. May sa IV, may sa morphine. netcetera.Tulog ako ulit. Pakilala mg mga narses. Pikit ulit ng mata.Vital signs. Pirma na hindi ako tatayo na walag alalay na narses. Bawal. baka nga naman matumba, mademanda ng pasyente.Inventory mg dala. Titulo ng mga lupa (guffaw), kaban ng alahas, mga time deposits. hahahhahahaha.


Dating ang dinner. Umuwi na ang kapatid ko habng pinapangal ko ang manok. In fairness. Masarap ang pagkain nila sa ospital na yon

The whole night, gising lang ako. Tahimik supposed to be. Ang maingay ay typewriter na  yong nagttype. NA WALA NAMAN. Dahil computerized`na NG SYSTEM. Saka nasa labas lang yon. Sa may nurses' desk. 

Saturday, marami ulit pinasok sa katawan ko. Antibiotics, Painkillers. Utos ng doctor na hindi ko nakikita. First time akong tumayo. Nahihilo ba ako? Hindi naman. Punta ako sa toilet para alisin ang drain. Every eight hours yon. Messy.



Lunch. Constipated siya.


Pinaysaamerika









No comments:

Post a Comment