Thursday, February 02, 2012

My Ano Ba yan moment

Dear insansapinas,


After watching the impeachment trial and lost some three hour-sleep, I went to the hospital for my second biopsy due to the second lump, that MANIFESTED in my MRI. It was not an exact REPRODUCTION of the original lump discovered in the mammogram and ultrasound. When I reached the hospital, everyone is greeting me. Kilala na ko doon. Halos araw-araw ba namang nandoon ako eh. 
The tech prepped me for the biopsy and tried to find the new cyst that is informally settling in my breast. She could not find it. She said, it is so small to be detected by the ultrasound. Only the MRI can see the image. tutututututututut bionic eyesight kasi.


Then came the recommendation of my breast surgeon---that biopsy will be MRI guided. Alam ninyo ba kung gaano kahirap yon. Eh yon lang ordinary MRI, parang litson kang ipinasok sa oven, eh ito pa i-babiopsy ka. So I told the radiologist that I can no longer subject myself to this torture. Alisin nila kung aalisin kahit hindi cancerous. Para raw may reconstructive surgery. At the moment, my priority is to get rid of the SALN---oopsss erase, erase, erase so I want to have the schedule for my surgery. Sabi sa akin 5 days daw ako sa ospital. Bakit sabi noong kaibigan ko, overnight lang siya, mastectomy of the two breasts. Hmmmm.


The Cheat
I like the exhange of conversation between Tupas and Jinggoy Estrada. Estrada was looking for the other properties that they accused the CJ of owning and failing to disclose. Tumbok. Pinnochio. Merong youtube na may photoop sila ng prosecution panel.


Pero hindi yan ang pag-uusapan natin. Yong nakasabay ko sa bus stop na mag-asawa. May dumating pang mag-asawa na ang babae ay may brace ang paa pero nakakalakad naman. At saka wala pang sampu ang mga sakay ng bus dito.


Nakita ko hiniram noong babae ang cell phone ng asawa ng babaeng may brace. Nawili, nakipagtsismisan. Umiikot ang mata ng asawa ng lalaki. Buti 24 minutes lang ang inabot, hindi 45. hek hek hek.  Yong iba raw kasi nasa parking lot. Ohoy/
Mamaya ay pinakikita na nito ang mga surgery niya. Hindi lang yong babae ang naasiwa, pati asawa niya. Hiram na naman ng cell phone, Kuwento, Yakitiyak, blah blah blah. 


Dumating ang bus. Hindi na sumakay yong babaeng may cast at asawa nito. Baka manghiram ulit ng cell phone.



Ako naman ang napagbalingan. Sabi ko sa kanila, nang magsabog ng kabingihan, sinahod ko ng balde. Nagsign language sila. Sabi ko hindi ako marunong. "Do you read lips?" Bago ako nakasagot at buti di ako nakasagot dahil mabibisto niya ako, biglang nag-ring ang cell phone. Anak ng siokoy, meron pala siyang cell phone. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment