Sunday, February 05, 2012

Multo sa Kowloon House at Kulam

 Dear insansapinas,

Kagabi napanaginipan ko ang isa sa mga kaibigan kong babae. Anak siya ng dating mayor. Namatay siya sa atake sa puso nang malaman niyang inatake rin ang kaniyang asawa.


Naikuwento ko ito dahil matagal na hindi ko siya napanaginipan. Tahimik na yata siya, samantalang ang multong ito sa Kowloon ay nakikipagsaya pa rin tuwing may kasalan,

Ito ang balita:

Napansin nila ang isa sa mga kuha sa presidential table na may larawan ng isang multo ng lalaking waring nakikisaya rin sa kanilang pag­diriwang.
Sa umpisa ay hindi mapapansin ang nasabing multo dahil sa nakabarong din ito at parang isa rin sa mga bisita sa okasyon.
Pero nang suriin ang nasabing picture, ulo lang ng multo ang makikita habang nasa likuran ng mga principal sponsor na masayang nagkakainan.
Nang makumpirmang walang nakakikilala sa na­sa­bing lalaki mula sa pamil­ya ng bagong kasal, mga bi­sita at maging sa mga wai­ter ng Kowloon restaurant ay nagtanong-tanong na ang kumuha ng nasabing picture.At ayon sa mga waiter ng Kowloon House, normal na anila ang nasabing mul­to tuwing may reception ng kasal sa nasabing restaurant.
Dagdag pa nila, ang nasabing multo ay isang ninong na hindi nakadalo sa isang kasalan makara­ang maaksidente at mama­tay sa mismong araw ng kasalan.

Kulam
Kaya raw hindi napagkikita si Pacmom nang mga nakaraang buwan ay dahil nakulam siya.

Ito ang balita:


A separate taped story aired on “TV Patrol” Thursday reported that the doctors found Pacmom in good shape although, as she put it, “’Yung paa ko, nag-laki eh. Pati tiyan ko, parang buntis ako ng… parang walong buwan na.”
Publicity man ito sa "concert" niya o hindi, naniniwala pa rin ako sa mangkukulam. (Tingin sa salamin). nyeknyeknyek,


Naikuwento ko na siguro kung paano nagkakilala ang aking father at mother. Dahil sa kulam. Magkababayan sila pero malaki ang agwat ng kanilang edad kaya ibang circle of friends nila. Besides, pag weekend lang umuuwi ang aking mother sa barrio nila dahil nagdodorm siya sa Naga City.

Minsan nakiinom ng tubig ang aking father sa bahay ng mga lolo't lola ko. Nalaman niya na ilang Linggo  ng hindi kumakain ang mother ko, hindi rin siya nagpupunta sa bathroom, masakit ang kaniyang tiyan. Mula ito nang bastedin niya ang isang manliligaw na ang hinala nila ay mangkukulam.


Nasabi ko ba sa inyo na may pagkasuperman ang aking father. hek hek hek. Meron siyang mga pangkontra sa masasamang espiritu at kulam.Nagamot ang mother ko at sila ay napakasal.


Hindi nagtatapos ang istorya diyan.


Isinumpa ng mangkukulam na walang mabubuhay na anak pagkatapos ng mga kalalakihan. Tatlong kuya ko ang nauna pero sa kambal na lang ay hirap na ang mother ko. Sa gabing yaon, apat na kambal ang ipinanganak, sila lang yata ang nabuhay. 


Ako na ang sumunod. Takot na naman sila. Namatay nga ako di ba noong ako ay di pa nabibinyagan. Pero sabi nga ni biyay, masamang damo, etcetera, etcetera, 


Hindi naging mapalad yong dalawang sumunod sa akin. Kaya ako ang bunso ng matagal hanggang sinundan ako ng babae na Linggo-linggo naman nasa ospital dahil sa hika.


Sa iba marahil hindi kulam yon, marahil sumpa, o kaya marahil takot sa dibdib ng mother ko.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment