Thursday, February 23, 2012

Broken Family, Broken Homes, Broken Friendship and Broken Dreams

Dear insansapinas,
Let me give you the cause of all what were broken short to breaking glasses and mirrors.

CALIFORNIA - A Filipino-American real estate agent has been indicted for operating a multi-million dollar mortgage fraud scheme in San Diego.Filipino couple Eric and Charmagne Elegado, along with seven other mortgage professionals, all pleaded not guilty to multiple counts of conspiracy, wire fraud and money laundering.

Eric Elegado owned and operated e-Real Estate and Mortgage. The indictment claims he and his staff would create fake documents while his wife, Charmagne, worked as a subprime mortgage lender processing the loans.


Elegado and his employees, who were mostly Filipinos, are accused of creating fake documents such as tax returns, income verification, and financial statements for unqualified buyers to secure US$50 million in loans from lenders

Years ago, In every state in the US there were more than two of these businesses which manufactured financial information so as to qualify even the unemployed to buy real property at the time, there was a real estate boom.

A close friend of mine was a victim, The first real property that she first bought was under her name and its purpose was for rental. Kulang na lang halikan niya sa pwet ang kaibigan nilang real estate agent na nakihati sa kaniya para lang makuha nito ang malaki niyang commission. Dumating ang panahon biglang taas ang interest, hindi na niya kayang bayaran ang amortization so pinapirma na siya ng waiver ng " kaibigan" niyang yaon at pinaalis sila sa bahay. Nawala ang mga ibinayad niya sa loob ng tatlong taon.  Tamang-tama naman ay may dumating na naman  silang kaibigan na tutulungan silang magrelocate. Pinagretire siya sa pinapasukan niya dahil nakakahiya daw na walang bahay na masabi; i-ha hire and kaniyang asawa sa negosyo nilang real estate at motorshop at tutulungang magsimula from the beginning. Pero binentahan naman sila ng bahay sa pangalan naman ng kaniyang asawa. Ganoon din ang MO.


Puring-purin niya ang mga ito. Sabi niya, nakita na talaga nila ang kanilang kaibigan. Kahit saan yon pumunta kasama sila hanggang ang ipinagbili sa kanilang bahay ay naforeclose dahil tumaas din ang amortization. Inalis sa trabaho ang asawa niya dahil wala na raw pangsweldo.



Ngayon, halos hindi sila mag-usap. Nagfile sila ng bankruptcy dahil and laki ng ibinayad nila sa hospital bills ng kaniyang asawa.


Hindi niya na inaasahan na  mapapaaral sa college ang mga anak niya dahil nagbabayad sila ng amortization ng maliit na bahay na nabili nila sa bundok kaya mura  at nandyaan pa ang mga gastusin nila dahil ang asawa naman niya ay ayaw magtrabaho.


Wala na siyang pangarap. Wala namang hilig mag-aral ang kaniyang mga anak. Wala na silanng mga kaibigan na Sabado-sabado ay kainuman nila o kasamang manood ng football, boxing at basketball.


Nasabi nga niya, kung alam ko lang na kaya kami kinakaibigan ay para mabentahan ng bahay, sana sinunog ko na lang ang bahay na yon.

Kaya habang nanonood ako ng impeachment trial at mapansin na  halos di mabigkas ng mga dating kaalyado ng dating pangulo ang kaniyang pangalan, napapatssk tsssk tsssk na lang ako at naiimagine ang broken bridges. Kaya lang bakit pa ba ako lalayo? Pero ako naman noon pa ay mapili na sa mga kaibigan. Ayon nauuwi rin sa bingi.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment