Saturday, February 25, 2012

Ang Pinakatanga sa Ibabaw ng Lupa

Dear insansapinas,

Madalas maging pahulaan ito...kung alin ang pinakatangang isda sa balat ng lupa. SARDINAS.


Balita na tumaas na ang presyo. Balita naman hindi. Pero pagbumili ka sasabihin saiyo, bumili ka sa diyaryo. Kita ninyo na yan. Pumasok  yong tamban sa lata, naligo pa ng tomato sauce pagkatapos ikinulong ang sarili pagkatapos itapon ang susi. Buti ang karne norte, may susi sa labas.
THE Trade Department sees no reasons for makers of canned sardines to increase their prices because enough supply of “tamban” is expected next month with the lifting of the fishing ban in the waters off Zamboanga del Norte.
“Latest reports showed that the price of canned sardines in the market ranges from P12.80 to P13.50 and it would be unreasonable to increase their prices because we expect supply of tamban to normalize from March 1,” Trade Undersecretary Zenaida Maglaya said at the sidelines of the National Price Coordinating Council meeting Thursday at the DTI headquarters in Makati City.

Sa siyudad, pagkaing mahirap ang sardinas. Sa probinsiya, kagaya namin na maraming isda, hihingi pa ng paumanhin pag hindi sardinas ang naihain sa lamesa. Sabi nga ng isa kong kaibigan, pag- naamoy ka raw -amoy sardinas, can afford kang bumili sa bayan at hindi lang yong hinuhuli sa dagat, na tinutuyo at ginagawang daeng o tuyong isda. Ang manok ay inaalagaan lang sa ilalim ng bahay kaya pag walang makain, manghuhuli lang. Panay din ang hingi ng paumanhin niyan bakit manok lang ang kanilang naluto. Hindi raw sila nakabili ng sardinas. boink.

Pero sa ekonomiya ng sardinas, napansin ba ninyo na lumiit na ang lata? Nang masyadong halata na ang pagliit ng lata, ang laman naman ang kanilang binawasan. Kung dati, sikisikan ang mga tamban, ngayon ay para silang nagtatampuhang maglovers--GIVE ME SPACE. Tseh. Ang sauce siguro ay kalahati na lang.


Sabagay halos lahat naman yata ng delata, lumiit. Kung hindi yong size ay binabawasan sa ilalim ng bote o lata. Parang deodorant noon na akala mo ang daming laman, yon pala halos kalahati lang.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment