Dear insansapinas,
Hindi po nakakain yon, hindi rin nabibili. URTICARIA what? Yan po ay allergy sa lamig. Kapag malamig ay nangangati ang katawan mo at may lumalabas na mga hives. Ang iba namamaga ang mukha o bahagi ng katawan na nalalamigan.
Una kong napansin ito ay nang nanganak ako. Ang daming hives na lumabas. Ang kati. Sabi ng matatanda, nahanginan daw ako sa ospital at pagkatapos uminom pa ako ng malamig. Kaya nga raw yong mga nanganganak sa baryo, tinatakpan ng mga kumot ang bintana para walang hanging pumasok. Eh tagus-tagusan naman kasi doon ang hangin. Eh sa ospital naman may aircon. Pero tama naman ang sabi nila, lamig nga raw yon. Kaya naalala ko na pinalo-palo ng mother ko ang mga pantal ng belo para maalis ang lamig na pumasok sa aking katawan, Buti di ako winisikan ng holy water at asin kung hindi, unusok ako. Ahahay. Kaya dito pag malamig, balut na balot ako pag di kaya ng heater ang lamig. Sa San Fran noon, aside from may centralized kaming heater, mayroon akong ginagamit na portable heater. Bitbit ko pag-akyat ko sa second floor, pagbaba ko sa ground floor para manood ng TV o kaya ay kumain. Kulang na lang ikabit mo sa puwet ko at susian parang laruang eruplanong lumilipad. DARNA.
Ito ang balita sakaling meron ding kayong ganitong allergy.
The first time the hives hit Joan Crawford, a 76-year-old administrator from Ringwood, N.J., she was heading to a party in New York City with her husband.
"I remember we were walking west for about three blocks and it was very cold and the wind was hitting my face," she says. "And by the time I got to the function, my entire face was swollen. It took about 20 minutes of warm compresses to bring the swelling down."
The next day, her doctor informed her she had cold urticaria -- hives brought on by cold temperatures -- a condition Crawford had never heard of.
"I told him, 'I think you just made this up," she says. "Whoever heard of being allergic to the cold?"
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment