Friday, January 06, 2012

Dirty, Irony and Personal

Dear insansapinas,



Dirty and Irony
Nagsisisi ang aking prewn bakit nakabalik siya rito sa Estet. Wala pa rin siyang trabaho. Ako pang inaatake ng sakit ang aking pagiging Superwoman ang nag-cocomfort sa kaniya. What an irony!!


Kaya naman di ako makapagretire sa Pinas dahil na nga sa sakit ko. Sobra sa isang milyon (pesoses) ang kailangan ko isang taon para mapanatili pa rin ang aking sisinghap-singhap na buhay. Parang isda.
Kadrama ko naman.


Isa namang kaibigan ko ang hindi na raw makakabalik sa Pilipinas dahil sa dumi, pollution at init. Di siya naalisan ng ubo minsang nagbakasyon siya. Naalala ko tuloy yong anak ng aking kaibigan. Ang ambisyon daw niya ay maging Metro Aide. Siguro gusto niyang linisin ang buong Metro Manila. hahaha. 


Kaya nang ibalitang lilinisin ang parte ng Maynila para sa shooting ng Bourne Legacy, natuwa siya. Pero kaya naman pala raw pinili ang Pinas ay dahil nga sa dumi nito. IT IS MORE FUN IN THE PHILIPPINES.  haw haw haw.
Tolentino was even quoted as saying on said website, “I think they selected Pasay Taft Rotonda. Magulo talaga ang area. So it’s about time that we redo the area because it will be shown worldwide. So it’s an eye-opener for us na ayusin namin ang Pasay-Taft Rotonda.”
In another part of the article, Tolentino, after “sensing the irony to what they did,” allegedly said, “Baka dagdagan pa namin yung kalat dun sa mga lugar kung gusto nila, para maengganyo ulit.”

O famous pala tayo sa pagiging dirty. Kahiya di va?  

Got a problem Houston

Hilo pa rin ako. Maligalig yong babaeng nakasabay ko. Hindi mapakali. KAINIS.
Sensiya na kayo pero parang diary ko na itong blog ko aside from samu't saring mga kabalbalang isinusulat ko. (sniffle) (sniffle). Sensiya na, nanonood ako ng batang tumutugtog ng cello. Naalala ko ang aking FIL. Ano kanyo ang cello? Siya ang nanay ng violin. hehehe


Balik tayo sa kwento. Galing ako sa especialista. Alam mo pag babae ka, maraming mga pinapacheck taun-taon. Huli kong pagpacheck sa gynecologist ay noong 2008. Yon kasi ang taong parang huminto rin ang mundo ko. (prsssssss). A year after nadiagnosed ako. 


Isa sa mga may findings nila ay sa aking ovary. Kaya pinapunta nila ako sa gyne. Siguro tuluyan nang nagretire yon dati kong gyne. Matandang matanda na siya (retired na nga raw pero siya ang pinagamot sa akin). Nanginginig na ang kamay. (nggggiiii) Baka maiwan pa ang tools sa loob. (ngaaaaaa).


A month ago, nagpaschedule ako sa gyne. Kung baga, "you've got a problem Houston". Malamig pa rin pero binilhan ako ng bagong panlamig ng aking kapatid. Yong may "fleece" na lining. Buset lang ako doon sa driver. Pilosopo. Sarap batukan. Pagdating ko, sabi ng medical receptionist, kung gusto ko raw i-reschedule. May emergency raw yong gyne sa ospital Anoh? pagkatapos kong maghintay ng isang buwan?
Hindi ko gustong magreschedule. Kung kailangang mag-OCCUPY ako, gagawin ko. theheheheh. 


Pumayag akong maghintay. Dahil bagong doctor, kailangan ang information. How many pregnancies did you have? Were there complications? Sabi ko mga show -offs ang aking mga TG. Yong isa, breech, baligtad ng lumabas. Yong isa naman, nakadipa na para bang mag-oorate. SUS.





Pagkatapos dinala ako sa examination room. Remove everything from waist down. (blush)( blush) (blush) Tapos iniwanan ako ng thirty minutes noong medical assistant. Grrrr.


Memya may pumasok. WAFU siya. Sulit ang hintay. Pangalan niya na naman ay Ruso. Parang yong aking oncologist at surgeon. 


Chineck niya ako. Kailangan daw ng procedure pero sa ospital daw gagawin. I-seset-up niya tapos tatawagan ako pag naarrange na. Tinanong ko kung may relasyon, magpinsan ba, magkapatid, magkamag-anak doon sa nakita nilang nagtatago din sa aking breast at liver. Sabi niya. Wala raw relasyon. Nagkataon lang. 


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment