Dear insansapinas,
It is Martin Luther King Day today.Government offices are closed; the rest are open including the doctors offices. My brod is on a holiday too so he brought me to the hospital where I requested for a CD of my mammogram and ultrasound before I saw my breast surgeon in the afternoon.
The release of the records did not even take half an hour so we got a lot of time to spend before the 2 pm schedule.
So shopping muna. Then we ate in a seafood buffet. Sarap noong siomai. Sayang wala akong camera di sana naipakita ko rin ang kinakain ko. Ehu ehuehu.
Before 1 pm, we proceeded to the doctors office. Sarado. Lagot. Hinalukay ko yong appointment notes ko. Nagkamali ba ako? Nagsalubong ang kilay ng brother ko. Kasi nga naman holiday. Baka sa isa pang Monday yong appointment ko. Binigay ko ang phone number. Nasa labas pala ang medical receptionist. Kumakain siguro. Yong breast surgeon mga 1:15 pa ang dating.
Memya, kausap ko na ang surgeon. confirmed. Breast cancer nga. Huhuhuhuh.
Hindi lang daw nila makita sa ordinary breast examination. Kahit sa mammogram. Nagtatago. Kagaya doon ng tumor ko noon sa liver.
Kaya kailangan daw i- MRI raw nila na may dye, para lumabas kung aalisin. Isa pa, kailangang makita nila kung nagspread sa lymph nodes sa armpit ko para malaman nila ang extent ng surgery na gagawin. Nakahanda na lahat ang mga orders para sa operation.
Hindi lang surgery ang gagawin. Magkakaroon pa ng breast cancer treatment.
Noong binibigay ni Big Boss sa itaas yong mga pagsubok ko noon e.g. 50 50 ang tsikiting gubat ko; appendicitis naman doon sa aking isang TG noong 11 years old, isa-isa. Tipo bang nakakalakad pa ako. Di sabay-sabay. Ngayon ito sinusubukan talaga ang aking pagkaSuper Woman. Gusto kong umiyak kaya lang walang camera. Wala ring director. Ahahahay.
Pinaysaamerika
wala yan...masamang damo and all that :D
ReplyDelete-biyay
biyay,
ReplyDeletemarami ngang mga kaibigan ko ang salubong sa akin sa telepono, ay buhay ka pa? nyek nyek nyek. para bang minamadali o nagtataka.