Dear insansapinas,
Kabila-kabilaan ngayon ay mga Christmas parties sa Pilipinas. Dito wala yan lalo ang mga empleyado ay galing sa iba't ibang relihiyon. Kahit decorations wala dahil magagalit ang mga hindi Christians. Pagnagparty naman, pot luck. Sus.
Sa Pilipinas talagang gastos ng kumpaniya o kaya pag sa iskuwela naman ay may mga contribution tapos may mag-aasikaso sa pagkain, sa parlor games at exchange gifts.
Noong bata pa ako, ito ang kahintay-hintay ko ang Christmas party. Kaya noong Paskong yon na nasa grade three ako, suot ko ang bagong damit at regalong pinagpuyatang ibalot ng aking mother excited ako. Tsokolateng nasa kahon yong regalo.
Program, program, parlor games at ang pinakahuli ang exchange gifts. Bibigyan ka lang ng number at kukunin mo ang regalo mo. Hindi mo alam kung kanino nanggaling. Nakuha ko yong aking gift. Malaki siyang binalot ng Christmas wrapper na palang bola. Nang buksan ko, mas marami pa ang wrapper kaysa lamang sampung mumurahing candy. O sabihin ninyo nang mukha akong regalo pero binigyan naman kami ng halaga kung magkano ang dapat dalhin. Sus.
Nang nasa MBA ako, meron ding kaming party pero meron pa rin kaming party sa bawa't klase. Nang December na iyon, sa isang restaurant sa hotel namin ginanap.
Pagkatapos nang kainan, kinuha namin ang bill para paghati-hatian. Nagulat kami. Hindi naman namin binibili ang hotel bakit napakataas ng aming babayaran. Yon palang kabilang lamesa namin na mga mukhang executives ay chinarged sa amin ang kanilang bill. Akala yata ay lasing na ang mga kasama ko at walang magchecheck. Nilapitan namin ang mga hinayupak ang pinahiya. Sus, nakamerkana pa naman. Tseh.
Parlor Games
Nagtatrabaho na ako noon. Masaya ang aming Christmas party. Maraming pagkain. Ang parlor game ay newspaper dance. Yong paliit ng paliit ang diyaryong tinatapakan ng magkapartner. Para manalo kami, kailangan, kargahin ako ng aking partner. Ngiiii. Payat pa ako noon. Pero mas payat pa ang partner ko at "kabaro" ko siya. Pero nang matapos ang music, nakarga niya ako. hahaha.
Buti di pa ako kumain. Nang pumunta ako sa lamesa, wala ng pagkain. Nakita ko yong isang department head namin, may dala-salang maraming shopping bag. Tokneneng, pinagbabalot na pala at ipinadadala doon sa kotse niya. Ang kapal.
Tuwing makikita ko siya, naalala ko ang pancit.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment