Friday, November 04, 2011

Reincarnation

Dear insansapinas,
Ipinasa sa akin ng brother ko. Baka interesado akong mamasyal na naman sa museum. Starting October 29, 2011 to March 4, 2012, there will be an exhibit of  Anglo-Saxon Hoard: Gold from England's Dark Ages at the National Geographic Museum, Washington, DC.  The picture above is one of the exhibits. It's a gold hilt. For me, it looks like my bracelet.


Oo Virginia, yan ang mga type kong mga bracelet or bling bling. Yong para ba akong si Wonder Woman. 


Isa pa ay yong mga nakalagay sa buhok na parang kay Cleopatra. Hindi ito,


 Para namang pasan ko ang mundo niyan,
Yong ganito lang minus yong mga beads. 


May hinala tuloy ako na reincarnation na lang ako. Hindi ni Cleopatra anoh. Ayaw kong pagpatuka sa ahas. Baka mga alalay lang ako. Baka nagreincarnate din ako from England. Fascinated ako about the country. O baka naman lamok lang ako doon. bwahaha. 

Pero may reincarnation ba talaga o nag-iistay na sa destination ang mga kaluluwa? sa hell, pag masama ka, purgatory, pag masama kang kunti at sa langit pag ikaw ay mabait. AHEM. (may dumaang lamok). 


Ito naman ang latest survey, 2007 daw latest survey na (mwehehehe) na more than 80 per cent sa mga Filipino ang naniniwala sa afterlife.


For the entire ISSP set, the percentages definitely/probably believing in an afterlife are: Turkey 94, Philippines 81, Chile, Ireland and United States 75, Mexico 74, Dominican Republic 72, South Africa 71, Poland and Cyprus 64, Italy 63, Israel 60, Venezuela 58, New Zealand, Switzerland and Taiwan 55, Croatia and Uruguay 54, Slovak Republic and Great Britain 53, Austria and South Korea 49, Sweden 47, Australia 45, the Netherlands, Portugal and Japan 44, Spain 43, Norway, Finland, Slovenia and Latvia 41, Ukraine 39, Russia 37, France and Germany 36, Hungary 35, Denmark 33, Belgium 28, and Czech Republic 26.



Personally, naniniwala ako sa afterlife. Pagnabasa mo ang mga pahirap noon sa mga tao kagaya ng Jews noong World War 2, noong nagkaroon ng Spanish Inquisition, noong pinersecute ang mga Christians, ang mga pahirap at pagpatay noong giyera, hindi maaring hindi ka mag-isip na may kaparusahan ang mga taong gumawa nito.Kahit na sabihin pa nilang para sa Diyos ang ginagawa nila. Kung anuman ang paniniwala ninyo, iginagalang ko yan.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment