Dear insansapinas,
Minsan di natin alam ang atin palang kaibigan o malapit sa buhay ay namamaalam na.
I have sets of friends na binibigyan ko ng categories. Yong kaibigan ko sa graduate school ay yon ang Friends with Cash. Nagtuturo lang sila for prestige. Ang bread and butter nila ay French bread at blue cheese. Hindi kami nanood ng sine. Panay lang sa kainan ang punta namin. Nakakarating kami sa Pangasinan para bumili ng tupig.
May mga kaibigan din ako sa village na ang tawag naman sa aming grupo ay AWA (Asosasyon ng mga Walang Asawa) o under category ko na Friends with Time. Hindi naman dahil divorce ang mga kasama ko. Seaman kasi ang mga asawa nila kaya palaging wala. Ako naman walang ma See man pagkatapos ng hiwalayan. Tatlo rin kami doon. Ang miyembro naman dito ay mga executives--vice president yong isa sa gum manufacturing business at iyong ikalawa ay may sariling food business. Ang bread and butter naman nila ay pan de sal at peanut butter with jam. Kami ang mahilig manood. Lalo yong mga tear jerker, Tagalog man o English. Nakikiiyak din kami.Punasan namin ay ang manggas ng blouse. Ayaw gumamit ng panyo. Ayaw mahalata.
Ang mga faculty members at barkada ko sa university ay nasa category na Friends with Career. Ang bread and butter namin ay pan de limon at margarine, kung minsan Ligo sardines.
Nakakalabas lang kami ng sabay-sabay pag nag-organize ako ng seminar pag summer tungkol sa updates sa aming mga kursong hawak. Pag kami lang na mga babae, nanood din kami ng sine (foreign naman na medyo controversial. pag Tagalog kasi, makikita kami ng mga istudyent. ) pagkatapos napapabulalas kami ng Don't tell me, it is happening. Sabay laki ng mata. Kita mo naman yan para kaming mga naive. Kaya lang may career nga kami kaya wala kaming time magbonding.Isa pa ang tingin nila sa akin ay mataas, eh 5'2" lang naman ako. Halos magkakasing edad lang kami kaya ang tawagan namin lahat ay Tita. Kung ang pangalan ay Tita, ang tawag naman ay Tita square. Naasiwa silang tumawag ng boss.
Dito sa States, wala akong kaibigan na kasinlapit ng mga kaibigan ko sa Pilipinas. Marahil dahil walang time dito masyado ang mga tao. Yon namang may sinasabi ay karaniwan ipokrita. Para bang mataas pa sila sa ibang tao.Yong iba mga sinungaling. kesyo ganito raw sila sa Pilipinas, ganoon daw sila sa kanilang probins.Pag chineck mo hindi naman. Meron ngang isa, pinagkakalat na sa kanilang pamilya raw ang isang university. Eh kilala ko ang may-ari noon. Iniiwasan na niya tuloy ako.
Balik tayo sa title ko.
Dalawa na rin lang kami sa Friends with Time. Namatay na rin ang isa dahil sa heart ailment. Akala ko mauuna pa yong VP kasi nagkabreast cancer.
Last time kaming nagkita noong isang AWA member ay sa San Francisco. Inihatid ko siya sa BART dahil doon siya pipick-up-in ng anak niya na nagtatrabaho sa isang accounting firm sa Bay Area --padala lang ng company mula sa Pinas. Nag-stay siya sa akin ng isang Linggo dahil wala naman siyang makakasama sa bahay nila. Isa pa nagtatanong-tanong nga kami kung saan siya pwedeng magpagamot ng kaniyang sakit. Enlargement of the heart.
Nang pauwi na siya ayaw niya akong bitiwan at pinipilit niya akong sumama sa bahay ng kaniyang anak. Hindi ako makasama dahil may appointment ako kinabukasan. Nang makaalis siya para akong nagguilty. Minsan-minsan nga lang kaming magkita, hindi ko pa napagbigyan.
Ilang Linggo lang, umuwi na siya sa Pinas, Nagkausap lang kami sa telepono. Sumunod na balita ay pumanaw na siya.
Ang kaibigan ko na namatay six years ago at classified under Friends with Cash ay namaalam rin pala nang hindi ko napapansin. (Yes, Virginia, I cried and am still crying for her demise, akala ko pwede ang sumpaan namin noon na walang drama. walang iiyak, walang malulungkot...). Habang ang anak niya ay nagsashopping, naupo kami sa mall na malapit sa Ayala Alabang. Kinuwento niya na inayos na niya ang mga properties niya sa Batangas, isang bahay na lang ang itinira niya sa Ayala at pinaghati na niya ang milyon sa kaniyang mga anak. Pagnagsalita yon ang 30 na sinasabi niya ay hindi thousand kung hindi thirty million. Tanong ko sana, kasama ba ako sa Last Will and Testament, Kapal ko. Pero nagbibiro ako para i-humor siya. Wala akong hinala na maysakit siya dahil among the three, siya ang health buff. Ang dami niyang iniinom na herbal pill.Gusto ko sanang itanong kung bakit magsalita siya para bang papanaw na siya na palagi naming biruan na hindi rin siya tatanggapin dahil masusunog ang bibliya.
Kagabi bago ako makatulog, "tinanong" ko siya bakit di niya pinaalam sa amin na may sakit siya. That time nga pala kaming tatlo ay nag-uundergo ng crisis.
Yong lady lawyer ay may problema sa family; ako ay may problema kung saan titira at siya ay may sakit na cancer. Kaya minabuti niya sigurong hindi na kami abalahin. Wala naman siyang kaibigan kung hindi kami. Hindi siya nakikipag alta sosyedad kasi maraming mga Tupperware. At least sa amin, WYSIWYG. Kaya noong makita ng anak niya ang aming kaibigan, dinala niya kaagad sa libingan niya sa Manila Memorial Park. Dalaga pa rin ang anak niya at nag-iisa na lamang sa malaking bahay nila.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment