Friday, November 11, 2011

Liver Cancer 101

Dear insansapinas,


Patay na si Lito Calzado, ang director, photographer at ama ng actress na si Iza Calzado. Nagmamalaki pa ang nagsulat na nakuha daw niya sa isang website kung anong klase ang liver cancer. Ito raw ay cancer kung saan ang cancer ay nagsisimula sa ibang mga organs ng body. Chineck ko ang website, isang portal lang mga sponsored links at wala naman talagang discussion tungkol sa sakit.


Kung may duscussion, hindi niya isusulat na ang cancer ay nagsimula sa ibang organs. Ang kanser na terminal na ay pumupunta na sa liver o tinatawag na metastatic liver cancer.


Ito ng klase ng liver na nadiagnose ako noong 2007. Pero hinanap nila ang primary cancer, hindi nila tuluyang mapinppoint. Lahat na yata ng organs ko sa katawan ay sinaliksik, May nakita sila sa colon. Inoperahan ako.  Hanggang sabi ng doctor na nawala na raw ang cancer.


Ngayon ay hepatocellular carcinoma naman ang diagnosis ko. 


Ang isa pang liver cancer ay hepatocellular carcinoma. Mismong liver ang inaatake nito. Ang iba ay dahil nagkaroon ng kaso ng HEPA, ang iba ay dahil sa alak at drugs at ang iba ay high risk sa cancer ang family (it runs in the family) at puwede ring may cirhhosis na kagaya ko. Pag may liver chirrosis, imposible na ang invasive surgery.



Kapag walang intervention, ang pasyente ay tumatagal lang ng anim na buwan o kulang sa dalawang taon.


Sana naman pag nagsulat ang mga writers nito, magresearch muna sila kung hindi nila alam.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment