Friday, November 25, 2011

After Six Years Part 2

Dear insansapinas,

" Hindi ikaw ang best friend ko. Sampid ka lang dito. Ang kaibigan ko ay si...


Nahh Virginia, hindi ito script. Pero parang teleserye ang nangyari.  Upo ka at ikukuwento ko saiyo.
Early morning, I received a call from a friend of mine from another state, greeting me Happy Thanksgiving. Nagkasama kami noon sa isang bahay hanggang mag-asawa siya. Hindi minsan kami nag-away. Ngayon tsismisan pa rin kami, tungkol sa entertainment, pulitika at tungkol sa pamilya.


Kinahapunan, isang tawag naman sa isang kaibigan mula sa California ang natanggap ko. Happy Thanksgiving, happy thanksgiving din. Pangal ng isang drumstick , kumustahan. Kumusta si C...adopted niya, Kumusta si B... common friend. Nakasama ko naman siya ng kulang-kulang na dalawang Linggo nang magdecide akong lumipat sa Los Angeles  para magtrabaho at maghanap ng sarili kong lugar.




Tapos bigla siyang nagtanong. Alam mo bang naghahanap na ng apartment si  G ? Paano kako yong bahay na binili nila ni P? Iiwanan na yata, sagot ng kaibigan kong tumawag.  Bigla akong napakagat sa drumstick. Kung buhay na manok ito, sigurado nang lumipad pagkatapos sumigaw ng OUCH (Merkano ang manok eh).

Ang bahay na iyon (noong bibilhin pa lang) ang pinanggalingan ng aming tampuhan. Hindi ako ang nagtampo dahil wala naman akong balak bumili ng bahay na may kapartner. Ehhmm, Ehhhhm, yan ang pinanggalingan palagi nang pagkakahiwalay ng magkakaibigan. Pag may perang involved. Well, marami pang dahilan pero yong ang nagtulak (muntik nang masubasob) sa script sa itaas. Noong bago kasi nagcrush ang real estate business, naging marketing strategy ng mga real estate agents ang eencourage ang magkakaibigan, magkakakamag-anak, magboboyfriend na magshare sa equity at sa pagbayad ng monthly mortgage ng mga overpriced na bahay.

Isang kaibigan niya ang talagang siniraan ako na may interest lang daw akong makapartner sa kaniya kaya negative ang reaction ko sa plano nila. Prangka lang ako sa mga advice ko.  Mula noon, ang kanilang maingay na usapan ay naging bulungan pag nakaharap ako.Bakit nga ba kasi ako nakikialam?Tinanong ako eh. Lokah.

To cut the story, short, (nasaan ba ang gunting?) pinaalis niya ako sa kaniyang apartment kaya kahit hindi ko gusto ang nilipatan ko, lumipat ako kashare ko ang isang hindi kababayan na napakagulo ng unit. Hindi mo makita ang toilet bowl sa ibaba dahil natatakpan ng mga maruruming damit. Kailangan mo ng pala para hukayin ang nakabalumbong na maruruming damit. Hindi mo makita ang lamesa, nagkalat ang mga junk mails at ang sink ay madalas pwede kang maglangoy sa pagkabarado dahil itinatapon niya yata pati ang buto ng mga kinain niyang manok. Ang mahal pa naman ng bayad. Di bale, isip ko pansamantala lang. At least madalas wala siya. Nagtatrabaho kasi siya sa Hollywood. Hindi artista. DH ng isang mayamang couple.



Bumili na nga ang kaibigan ko at kaibigan niya  ng bahay. Over priced. Wala akong pakialam. Tseh. 

Dahil galit sa akin ang aking kaibigan, minaniobra niyang matanggal ako sa trabaho pagkatapos kung matapos ang probationary period. Ang di ko alam (nalaman ko na lang, nang maikwento sa akin ng isang common friend, na naaksidente ito papasok sa trabaho ko dati),  ipinasok niya ang kaibigan niya kapalit ko. O di va para siyang teleserye talaga. May betrayal, may intrigue at may kontrabida. Tuwang-tuwa silang natanggal ako sa trabaho. Nadepressed ako. Namatay ang aking MIL. Balik ako sa SF. Nawala ang iba kong kaibigan. (sino kaya ang pwedeng lumabas sa papel ko?) After six months, naaksidente ang kaibigan niyang pumalit sa akin. Nagturnturtle ang kaniyang sasakyan. After seven months, nagsara na ang kumpaniya. Nalugi. Hindi nila nasingil yong mga inireport kong receivables na hindi na record dahil sa akin pupunta ang credit. (Siyempre ako ang bida sa teleserye).


Isang taong lumipas hindi na nag-uusap ang magkaibigan. Dahil lang sa paglinis sa bahay na binili nila at sa mga kamag-anak na nakitira. Hindi naman kailangang may-utak ka ni Einstein para maanticipate mo ito.


Sigawan sila. Bagsakan ng mga pinto.  Kung makakasigaw lang ang pinto, tatawag na ng 9-11. Domestic violence.


Pero nagtiis silang magkasama. Patigasan ng ulo. Hanggang ang bahay na binili nila ay nagkakakahalaga na lang ng 300,000 at barya. Binili nila ito sa halagang 600,000. Kaya ngayon ipinagbibili yata o nafoforeclose na.


Hindi ko ito pinasasalamatan na nangyari. (Nasaan ba yong biko? Naubos ko na yong applie pie. yum). Hindi ko alam ispelin ang  

Schadenfreude.

Napatunayan ko lang na makikilala mo lang ang tunay na ugali ng tao kapag siya ay nakapajama na. Bakit? Kasi kasama mo na siya sa bahay.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment