Thursday, October 13, 2011

Wedding Dresses of the Real-life Princesses

Dear insansapinas,

Wedding Dresses 
Balita eh tatlong wedding dress na ang nabili ni Vicky Belo sa kaniyang kasal. Isa siguro papunta sa altar, isa palabas ng simbahan at isa sa reception. Sabi nga ni Lorna Tolentino, malapit na siyang magmenopause, ayaw na niyang lumandi nang tinanong kung mag-aasawa pa siyang muli. May pinariringgan ka ba? Ouch.


Pero ang aking blog ngayon ay mga wedding dresses ng mga tunay na prinsesa.


Ano ba ang naging wedding dress ng future Queen Elizabeth? Ito.

November siya ang ikinasal pagkatapos ng giyera kaya naghihirap pa ang mga tao. Ang designer na si
 Hartnell  ay binudburan ng bulaklak ang wedding  dress para ipakitang magandang darating na bukas. Ginawa niyang inspirasyon ang Botticelli Allegory of Spring.


photocredit

Ito ang kabuuan.


Dati ang mga wedding gowns ng mga nagpapakasal na royalties ay hindi puti ang kulay kung hindi may ginto at silver. Ang nagpauso ng puti ay ang lola ni Queen Elizabeth si Queen Victoria.


Tingnan natin ang wedding dress ni Princess Mary of Teck na kinasal kay King George V noong 1893. 


Noon ang gumagamit lang ng Puting wedding dress ay ang mga  commoner. Kaya mas mapusyaw ang kulay ng wedding dress mo, mass poorer ka.


Pero dahil kailangan pang magpalit ng isa pang gown pagkatapos ng kasal ang bride, binago ni Queen Victoria ang kaugalian.

 Imbes na magpakasal siya kay Prince Albert na  suot ang royal robe, siya ang nagpauso ng wedding dress. Ito ay gawa sa ivory satin.


Ito naman ang wedding dress ni Princess Charlotte na namatay sa panganganak.


 Sa susunod mga wedding dresses ng mga batang princesa.


Pinaysaamerika

2 comments:

  1. Anonymous11:06 PM

    ate, cath, mas maganda yung ke princess charlotte.

    question, though, allowed ba sa pinas ang magsuot ng ibang kulay other than white in a church wedding?

    -ann

    ReplyDelete
  2. ann,
    di ko alam ang regulation ng church diyan pero si regine yata, red ang suot niya. may mga wedding dresses na hindi virgin white, minsan cream, ecru o kaya ay dirty white...kasi narumihan na.

    hindi ka maniniwala, may pinuntahan kaming simbahan sa Calif. sa Monterrey, ang suot lahat ng ikakasal at ang ksniyang mga sponsors at guests ay lahat itim. akala ko tuloy, funeral yong ginaganap sa historical church na yon.

    ReplyDelete