Dear insansapinas,
Bata pa lang ako mahilig na ako sa mga pampaganda. Nagbabakasakaling gumanda pa. (oh batok sa sarili). Nakikita ko sa mga boarders ng aking auntie noon. Mga kolehiyala. Kaya noong nakita kong ipinapahid ng isang boarder yong puti ng itlog sa kaniyang mukha, ginaya ko rin. Minsan nagprito ako ng itlog, pinahid ko yong natira doon sa shells habang ako ay nagluluto. Napansin ng mother ko yong aking pisngi. Sabi niya, hindi ka man lang naghilamos. TOINKSSS.
Kita ko naman iyong isang boarder na nagpapahid ng cream sa mukha. Cold cream. Pag-alis niya sinubukan ko. Ahhhhhhhhhhhhhhh (parang Home Alone scream ni Kevin). Ayaw kong pakialaman yong vanishing cream niya. Baka ako magvanish. Nyahaha.
Isa pang ginamit ko ay yong coconut oil. Talagang galing sa gata ng niyog. Ang siste, hindi ko masyadong nahugasan ang buhok ko. Sa loob ng klase, nagtatanong sila kung mayroon daw may baong LATIK. TOINKSSS.
Sa article na ito lahat natural ang pamapaganda. Sa mahal naman, mas mabuti pang bumili ka na lang ng mga commercial beauty creams. Isa lang ang maganda sa mga ito, pwede mong kainin habang ginagamit mo ang ibang parte.
1. Avocado -Moisturizer. Madalas gamitin sa beauty spa. Sinubok ko kaya lang pagbukas ko ng ref, may nakita akong gatas at sucal. YUM. Namoisturized siguro ang aking tiyan.
Pwede nyong iwanan sa gabi sa mukha. Siguruhin lang ninyong wala kayong aso kung hindi pag gising ninyo panay kayo laway ng aso. Eww.
2. Cucumber-Moisturizer
Karaniwan inilalalgay sa mata, Pag natapos kayo pwedeng hugasan, ibabad sa suka, lagyan ng asin at asukal, meron na kayong salad. ERASE ERASE ERASE
Ang instruction ay lagyan ng yogurt, gawing puree para maging masque.
Ayaw ko nang gumamit ng mask. Minsan nakalimutang kung hugasan. The following morning, may nagdoorbell, biglang napasigaw ang aking bisitang bata. Alam naman ninyo ang bata. AHHHHHHHH.
Momo.
3. Oatmeal -Exfoliant and Moisturizer
Maganda ito sa mga dry skin at kumakati. Kaya lang mabusisi ang pagprepare. Kailangan mo pa ang ALOE VERA.
Mix 2 tablespoons each of ground oats and aloe vera with 2 teaspoons of brown sugar and 1 teaspoon of lemon juice until you have a smooth paste.
Bibili na lang ako ng Aveeno.
4. Peach - Exfoliant
O eto pwede na yong nakadikit sa balat. Pwedeng kainin yong ibang parte. YUM. Pwera lang kung delata.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment