Dear insansapinas,
Ang Film Center ay tinuturing na isa sa mga haunted places sa Pilipinas dahil sa mahigit na isandaang construction workers na namatay dito noong ito ay madaliang inihahabol sa deadline. Ang balita ay maari pang nailigtas ang mga tao pero dahil ang recue ay dumating siyam na oras makalipas, kaya nalibing ng buhay ang mga biktima. Pero sa nakaraang pagsisiyasat, lahat daw ng namatay ay nakuha at nabigyan ng nararapat na libing. Quick drying cement?
Ang sabi ng mga psychic ang mga multo raw dito sa Film Center ay di mapahinga at nagyayaya pa ng mga kapareho nilang mga espiritu na naghahanap ng hustisya.
Pero marami rin silang tinanggihang makasama. Yon ay ang mga ghost employees, ghost contractors, ghost pensioners at ghost purchases. Madadaya raw kasi. BWAHAHAHA.
White Ladies
Bawa't bansa ay may kuwento tungkol sa White Lady. Kaya tawag dito ay White Lady dahil ito ay nakaputi.
Ang tanong, bakit ito nakaputi? Kasi kung hindi sila magpuputi, hindi sila makikita sa dilim. Balita ko nga gagawin silang endorser ng sabong panlaba at skin whitener. BWAHAHAHA
Pumpkin
Noong unang panahon, hindi pumpkin ang ginagamit pag Halloween kung hindi turnip. Kaya lang pagpunta ng mga immigrants mula Ireland at Scotland, wala silang makuhang turnip so pumpkin na lang ang ginamit nila.
Ito ay kanilang inaalisan ng laman sa loob at nilalagyan ng kandila para panakot sa masamang espiritu na siyang kanilang inoobserba pag Oct. 31, ang All Hallows Eve.
Ingat pag-uwi galing sa sementeryo. Baka may makihitch na multo. BWAHAHA.
Ito ang sinusunod sa West, hindi kagaya sa Pilipinas na November 1 naman, ang All Saints; Day.
Anu pa man ang inoobserba, naniniwala ang iba na ito ang araw na pinakakawalan ang masasamang espiritu kaya papangitan ng costume, mas matatakot ang mga evil spirits. Pwera yong iba na hindi na kailangan ang costume. Ahem.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment