Dear insansapinas,
Tom Cruise
Kagabi, binangungot ako. Napanaginipan ko, asawa ko raw si Tom Cruise. ahem. Bakit bangungot? Eh ako yong ibinitin niya doon sa paghack niya sa computer sa CIA. Must be because of the Dancing with the Stars contestants who used Mission Impossible music scoring para sa dance nila. Eliminated naman. Tan tan tan tan.
Babaeng nawawala sa sarili
Lumipad si KC Concepcion sa Europe para hanapin ang sarili. Siya ang babaeng nawawala sa sarili. Ako rin. Kasi naman directionally-challenged ako. Huwag kayong magtrust pag nagbigay ako ng direction. Tiyak wala kayo.
Pati naman GPS namin ganoon din. Madalas kasi mahulog mula sa dashboard. TOINKKK.
For Charity
Sa bagong series na Two Broke Girls, isa sa mga girl ay mayaman na naghirap dahil ang kaniyang ama ay nakulong sa paggamit ng ponzi scheme. Wala na siyang masuot na sapatos at damit kaya dinala siya ng karoommate niya sa Goodwill (thrift store for charity purpose). Doon nakita niya ang kaniyang stilleto shoes na worth 800 dollars na ipinagbibili na lang ng $ 8 dollars. Yon daw ay dinonate niya for charity.
Sa Pilipinas. Maraming nakitang gowns at mga stilleto shoes na dinonate ng mga celebrities sa biktima ng bagyo. Anong gusto nila magfashion show ang mga biktima? Ginawa pang trash bin ng kanilang outdated na mga damit ang mga taong sinalanta. TSEHHHHHHHHHHHHHHH.
Kulitmoraw
Two nights ago, tatlong installments ang aking panaginip. Yon bang gigising ka pagkatapos matutulog ka ulit, gigising ka, tapos matutulog ka ulit. Ang kuleet kasi noong napapanaginipan ko kahit sa totoong buhay. Siya yong kakilala ko na pati mga kaibigan ko ay hinihingan ng pabor using my name. Minsan nagpahatid sa laundromat, utos ko raw. Sunod naman yong kaibigan ko. Nang malaman niyang nagsinungaling ang damuho, hindi na niya binati at iniwasan na akala mo ay mikrobyo.
Pinaysaamerika
No comments:
Post a Comment