Friday, October 28, 2011

Ang mga Aswang at Show Business

Dear insansapinas,


1. Hindi raw hiwalay si Claudine Barreto at Raymart Santiago. Dahil ba sa product endorsements na pampamilya.  Dito sa States, pagnasangkot ka sa iskandalo, tanggal ang endorsement mo. Di ba Tiger Woods? 


2. Luhaan pa siya nang sabihin niyang may kanser ulit ang kaniyang asawa pero nakangiti siya nang nagbigay siya ng party sa birthday niya.  That's show business folks. Minsan pati pagkakasakit ng mahal sa buhay ginagamit na gimik. Buti na nababanggit ng isang sikat na TV host ang nanay niyang maysakit daw para lang mapagtakpan ang pagkakawala niya ng kaniyang programa. Tseh. 


3. Gustong palabasin ng isang sikat na female TV host na siya ang dahilan bakit naghihiwalay ang magkasintahan. Sobra naman yon. Dahil lang sa text sa ex, hihiwalayan ka ng boyfriend mo? Ang selosan naman ay hindi maalis sa relasyon. Pag wala yan, walang pag-ibig. Ahem. 


Mga Aswang
Pinagkakakuwarthan ang mga paranormal elements tuwing Undas kagaya ng aswang sa Pinas, werewolf, vampire at zombie sa ibang bansa ng mga nasa show business. Sa TV dito ay maaring supernatural-inspired theme na mga series.


Ang tanong ay may aswang ba talaga? Oo naman. Pero wala ka nang makikita sa siyudad at kahil nasa mga probinsiya. Baka nasa liblib na pook na lang sila at umiiwas na sa kabihasnan.


IBa ang asawang sa manananggal. Ang aswang ay di lumilipad kaya hindi ito pwedeng masabit sa mga kuryente ng elektrisidad. Ito ay nakakapagbago ng anyo. Pwedeng baboy, aso o kung gutong lumipad ay nagpapalit ito ng anyo bilang ibon.



Kaya wala ng asawang sa siyudad dahil kahit baboy ay double murder. Ipinagbibili bilang Botcha ba iyon. Eh kung kasalukuyang silang nasa anyong baboy sila, di patay pag nakita sila ng tao. Hindi rin sila magtatagal bilang aso dahil kahit aso ginagawang pulutan. Bilang ibon, pwede silang tiradurin, kulayan ng berde at ipagbili sa plaza o palengke bilang maya. bwahahaha.


Saka noon sabi ng aking madir, sa ilalim sila ng bahay nagtatago. Eh ngayon wala ng ilalim ang mga bahay. Wala na ring mga punong maari silang dumapo. 


Ang pinagtatakhan ko naman ay bakit itong mga nakakatakot na ito ang lumalabas pag Undas, eh pag-alaala lang naman sa mga namatay na kamag-anak ang araw na yaon. Nov. 1, para sa mga Santo at Nov. 2 para sa mga kaluluwa.


Naalala ko pa noon ang lola ko na nagluluto ng pagkain at inihahain sa mga tinatawag niyang mga kaluluwa at iniimbitang kumain. Ngiiii.


Ayaw kung lumabas noon sa dining room. Ang lamesa namin ay napakalaki at gawa sa kamagong kaya puwedeng mahiga ang ilang tao. Ang imagination ko ay punong-puno iyon ng mga kaluluwa. Bago pa ako makarating sa dining room, dadaan ako sa hallway na may malaking grandfather clock. Biglang Bong,bong,bong. Alas ocho na, simula na nang pag-imbita.


Nang lumaki na kami, ang mader ko na lang ang naghahanda. Pero isang pinggan na lang at pinagsasalu-salo ang mga kamag-anak na namatay na. Imagination ko, agawan sila. Arggggg. Nandoon pa rin ang takot ko. 


Tapos ako na ang nagpatuloy ng tradisyon. Abangan ang kuwento diyan.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment