Tuesday, September 27, 2011

The Tourist Storm-Tuwing Umuulan at Kapiling ka

Dear insansapinas,

Tourist Storm
Dumating si Pidro aka Pedring, not the perfect storm mas malakas ang hangin kaysa ulan.


Bakit tourist storm. Abah, eh dumaan sa US Embassy, ayun, kinastigo ang mga consul (siguro dahil pinahirapang kumuha ng visa), for the first time, inabot ng baha ang embassy. Dumaan sa SOFITEL,Philippine Plaza, binaha ang lobby, kumain pa yata sa buffet. 


Naalala ko tuloy noon, paborito naming puntahan ang Siete Pecados, painom-inom ng margarita. Susyal. Isang order lang na hindi naman nakakalasing, to unwind pagkatapos ng hectic na mga meetings. Hindi ko pa nabalitaan noon na mabaha ang reclamation area.


Paborito naming pumunta sa hotel. Tagpuan ng mga barkads na akala mo kakain doon, huwag ka doon pala sa tabi-tabi kakain, Pero pag-alis namin yong kotse dadaan sa hotel na akala mo doon kumain. bwhaha.


Radio-Tuwing umuulan at kapiling ka 
Mayroon akong secretary noon na matanda na at mahilig makinig sa transistor. Totoo, transistor. Hindi yong A/C D/C.


Habang nagtatrabaho siya ay nakikinig siya ng radyo. Pinababayaan ko naman kasi ang trabaho niya ay mag-ayos ng mga file, update ng file at magcompile ng mga files ng mga istudyante. Hindi namin pinapansin ang kaniyang transistor. Pero pag may bagyo at walang kuryente, lahat nakatutok sa balita sa kanyang radyo kung suspended na ang klase at ang mga empleyado ay pinauuwi na.

Sa totoo lang naaawa ako at nakikisimpatiya sa mga namatayan at nawalang ng tirahan dahil sa bagyo.


Pinaysaamerika

No comments:

Post a Comment