Tuesday, September 20, 2011

Planking, OJT, CCT ATBP

Dear insansapinas,
planking

photocredit


A solon filed a bill against PLANKING. Whoa, paano na lang ang ating harvest, ang palay, ang veggies and fruits?


PLANTING pala yon, hindi planking. Corniko. Pilit. Pero seriously, kahit hindi ipagbawal ang planking, kung marerealize lang ng mga may  balak magplank ang dumi ng hihigan nila (doggie style, sabi ni biyay, o di va kasi ang planking ay yong nakahiga ka na ang tiyan ang nakalapat at ang mukha mo ang nakasubsob) mag-iisip ka munang magplank.
dog planking

photocredit

OJT

"We envision an on-the-job training as early as grades 11 and 12," Luistro said, referring to the last two years of high school in the proposed K+12 program.
Luistro said the program will teach high school students specialized skills, such as creating and implementing business plans, selling products, and even doing journalism. The Education chief explained that the program aims for holistic development that is “outcomes-based" to make Filipino high school graduates employable.


Maganda ang intention ng Secretary kaya lang parang wala siya sa planetang EARTH. 
1. On-the-job training -Posible lang ito sa mga istudyante ng dati niyang university kung saan ang mga kamag-anak ay may mga negosyo. Otherwise, ang mga istudyante ay magiging gofer lang, mga tagatakbo, tagakuha ng kape ni Boss, tagabili ng tanghalian ng mga empleyado.


Sa aming college noon, hirap kaming maghanap ng opisina o negosyo na pwede naming padalhan ng aming mga istudyanteng kailangang makacomply sa number of hours on-the-job-training. Karamihan nabibigyan ng certification na tapos nila ang OJT kahit hindi man sila tumapak sa opisinang yon. Anong ginagawa ni fafa at ni mama? 


Bakit nagiging gofer lang ang mga trainees/interns? 


1. Isa- hindi ipinagkakatiwala ng business ang mga papeles o file sa mga trainees/interns. Kung bibigyan man sila ng trabaho ay yon lang talagang hindi naman kailangan. 


2. Ikalawa-continuity, lalo sa gobyerno. Pag ang isang intern ay nakatapos na, iiwanan nito ang trabaho kahit hindi tapos. Hindi ito magagawa ng regular employees dahil meron din silang functions. Maghihintay sila ng panibagong intern na aabutin ng isang taon ang paghihintay. 


3. Paano naman ang mga K-12 students na nasa barrio? Saan sila mag-o-ojt? Sa kabukiran?


Business plan


Inimplement ko ito sa college level. Hirap ang mga istudyante dahil kumakain ng maraming oras. Isa pa kailangan ang pera para maimplement ang project.


Business plan? My foot, natapakan ninyo. Awww. Sino ang magtuturo sa kanila? High school student teacher na ang degrees ay MA or education-oriented? Marami ngang MBA graduates na hindi marunong gumawa ng business plan. Sino na naman ang gagawa nito? Ang mga perang may istudyante, ipagagawa sa mga taong yon talaga ang kanilang job description. Yon mga walang pera ay mangongopya na lang sa internet o sa libro na hindi naintindihan kung ano ang mga nandoon. 

Again the question. Paano naman ang mga nasa probins?


Luistro versus Dinky Soliman
Kamakailan may inilabas na study na successful daw ang conditional cash transfer sa pagprevent ng mga drop-outs ayon kay Soliman noong dinedepensa niya ang conditional cash transfer budget at may hinihingi pa siyang karagdagan. 


Ayon kay Luistro of Department of Education:



THE monthly government dole to poor families in its conditional cash transfer program has done little to reduce the elementary school dropout rate, Education Secretary Armin Luistro said Monday.
He told the Senate’s budget hearings the dropout rate remained at 25 percent. This meant one in four pupils enrolled in Grade 1 would fail to reach Grade 4 despite the government incentives to poor families to keep their children in school 85 percent of the time.
“In our study, the two main reasons children fail to go to school is the lack of preparation for them to attend Grade 1 and the lack of transportation to keep them in school,” Luistro said.
Hindi pa siguro nakaabot si Soliman sa mga lugar na hindi naman kailangang may pera ka para makapunta ka sa schools. Ang kailangan doon ay schools para hindi na kailangang "languyin" ang dagat, " liparin" ang mga bundok at magtampisaw sa putik para lang makapasok sa napakalayong iskuwela na ang mga wala talagang tiyaga ay mas gugustuhin pang matulog kaysa mag-aral.Kung minsan pagdating nila sa iskuwela, ipapahawan lang sa kanila ang mga damo sa lupain ng mga titser.


ATBP


Ang nagfile ng bill against planking ang nagsuggest din ng 4-day-work. Biglang tampal ang noo. Dito sa Estet, ginagawa yan sa mga narses o mga doctor na kailangan ang mahabang oras sa ospital o kaya ay para may pahaba silang pahinga na sa TOTOO Lang, ginqagamit nila sa kanilang second job.


Besides, apat na araw nga, pero 10 hours naman minsan ang trabaho. Per hour pa ang bayad. 


Sa Pilipinas kung saan mas marami pang nagagastos ang mga empleyado ng gobyerno sa pagtetext at pagtitwitter, at pakikipagtsismisan sa mga kaopisina na pag may nilakag ka ay isang dekada ang aabutin bago mo makuha, mas kukunti ang oras sa public service. 


Pinaysaamerika





No comments:

Post a Comment